logo text

Virgin's Scandal With Kuya Driver (Chapter 9)

Pagkatapos ng taping ng tanghaling iyon, pinatawag si Keisha ni Direk Luis kasama si Alice. Pansin ni Keisha kanina pa ang tingin sa kaniya ng kaniyang mga co-star. Alam niya na ng mga sandaling iyon na may alam na ang mga ito sa video. Tinatagan ni Keisha ang loob ng mga sandaling iyon dahil alam niyang wala siyang ginagawang masama. Kapag hindi siya pumunta ng taping ay iisipin ng mga ito na guilty siya. Alam din iyon ni Direk Luis kaya pinulong ang mga co-star at staff na huwag nagpapaniwala sa video dahil kilala nito si Keisha at hindi iyon gagawin ni Keisha. Nagpapasalamat si Keisha dahil kahit papaano ay may naniniwala sa kaniya. Narito sila ngayon sa loob ng bahay kung saan sila nagse-set. Nasa labas ang mga co-star ni Keisha. May ipinakita si Direk Luis kay Keisha. Mga facebook page na nagpopoost ng mga tsismis partungkol sa mga artista. Totoo man o hindi. Naroon sa tatlong page ag pangalan niya na naglalaman ng tsismis patungkol sa kaniya.
"Marami na ang nakabasa. Well, hindi naman isinapubliko ang video dahil kanina umaga ay nag-post ang management through na kung sinuman ang mag-popost niyon ay may kaukulang parusa," seryusong sabi ni Direk. Alam iyon ni Keisha. May pakpak ang balita kaya hindi na nakapagtataka na ipakalat iyon ng may-ari ng video. Nagpapasalamat siya at hindi na-isapubliko ang video dahil tiyak na kahihiyan iyon. Kundi article na nagsasabi na "May katotohanan ba ang kumakalat na video ni Kiesha Jimenz?". Kaya hindi siya nagbukas ng social media account niya dahil ayaw niyang masira ang araw niya.
"Thank you, direk." Seryuso niyang tiningnan ni Direk Luis saka nginitian.
"Kailangan malaman sa lalong madaling panahon kung sino ang gumawa nito sa 'yo Keisha. Dahil tiyak n makakasira ito sa career mo higit sa lahat ang movie na ginagawa natin ngayon," puno ng pag-aalala na sabi ni Direk Luis. Tumango-tango si Keisha.
"Makakaasa po kayo, direk," tugon niya. Tumango-tango ito. Isa lang ang naiisip ni Keisha na may kinalaman sa vide na iyon. Si Aaron. Ito lang ang galit sa kaniya!
Patapos na si Landon sa kinakaing pananghalian sa isang karinderya. Nagsabi si Keisha na hindi sila makakasabay na kumain dahil sabay-sabay daw sila na kakain ng mga co-star niya. Kaya heto siya ngayon mag-isang kumain sa karinderya. Nagpapa-cute pa nga sa kaniya ang babaeng nag-se-serve ng pagkain na hindi na lang niya pinansin. Kanina ng mag-open si Landon ng social media account niya, nakita niya na nagkalat ang issue patungkol kay Keisha. Kaya sinisiguro niya na mas kahihiyan ang dadanasin ng utak ng video na iyon. Nagtungo si Landon sa counter at nagbayad saka lumabas. Agad siyang pumasok sa loob ng van ng makitang tumatawag ang Ninong Arthur niya.
"Hello, 'nong. May update na ba?" tanong ni Landon. Natawa ang nasa kabilang linya.
"Update agad? Hindi ba puwedeng kamustahin mo muna ang ninong mo?" tudyong tanong ni Arthur.
"Urgent. 'nong. Kalat na sa buong bansa ang fake news na iyon!" paasigaw na sabi ni Landon habang mahigpit na nakahawak sa manibela, nagtatagis ang mga bagang at matalim ang mga mata. Kung lalaki ang may kinalaman nito, bugbog sarado ang aabutin nito kay Landon.
"Chilax. Nakita ko nga iyon kaya nga iyon ang inatupag ko kahit nandito ako sa opisina. And i have a good news to you. Alam ko na kung sino ang nasa likod nito." Nakahinga ng maluwag si Landon dahil sa sinabing iyon ni Arthur. Sa wakas, nasolusyonan na ang problema ni Keisha.
"Sino 'nong?" magalang niyang tanong.
"Shaila Venuza." Naikuyom ni Landon ang kamao ng marinig ang pangalan na iyon. Sinasabi na nga ba na may kinalaman si Shaila at Aaron rito!
"Thanks, nong," pasasalamat niya.
"You're always welcome, anak," tugon ni Arthur saka pinatay na ang tawag. Pinausad na ni Landn ang sasakyan patungo sa bahay ni Shaila Venuza. Ayaw niya ng mag-aksaya ng panahon. Kailangan malinis na ang pangalan ni Keisha sa lalong madaling panahon.
Nang marating ni Landon ang tinitirhang two-storey modern house ni Shaila, i-pinark niya ang sasakyan sa gilid niyon. Maganda ang bahay at naaayon iyon sa uso. Ang bahay kasi na tinitirhan ni Keisha ay simple lamang pero elegante. Naipatayo ni Keisha iyon noong nagsisimula pa lang umusbong ang karera nito sa pag-a-artista. Lumapit siya sa gate at nag-doorbell. Ilang sandali pa ay bumukas na iyon. Ang guwardiya ni Shaila ang nagbukas ng gate.
"Sino ka?" tanong ng guwardiya.
"I'm Landon Fernandez. May I speak with Ms. Shaila Venuza?" tanong ni Landon. Sinuyod siya ni guwardiya mula ulo hanggang paa.
"Pasok ka," seryusong sabi nito saka pinaupo siya sa wooden chair na may wooden table na nasa gilid ng isang malaking puno. Wala siyang nakikitang swimming pool na kadalasan ay nasa harap ng bahay. Baka nasa likod iyon.
"Sandali at tatawagin ko si Ma'am Shaila." Pagkasabi iyon ng guwardiya, kinuha na nito ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Shaila.
"Okay, ma'am. Babantayan ko siyang mabuti baka may masama itong balak," wika ng guwardiya at tiningnan siya nito ng masama. Nang matapos ang tawag ay tumabi ito sa kaniya pero nakatayo ito. Hanggang sa makita niya sa di-kaalyuan si Shaila na naglalakad palapit sa kanila. Maganda si Shaila pero di mas hamak na mas maganda si Keisha. Magaling din itong umarte. Mabuti na lang at magaling siyang pumili ng gugustuhing artista.
"Hello. Ano ang kailangan mo?" seryusong sabi ni Shaila ng makalapit ito sa kanila. Ewan lang kung ganiyan pa tumingin si Shaila mamaya pagkatapos sabihin ni Landon ang tinatago nitong sekreto.
"May gusto lang akong sabihin. Puwede bang makausap kita ng sarilinan? Confidential ito. It is about your career." Tiningnan ni Shaila ang guwardiya nito.
"Lumayo ka sa 'min. May pag-uusapan lang kami," utos ni Shaila na kaagad namang sinunod ng guwardiya. Nang makalayo na ito, bumaling si Shaila sa kaniya.
"Ano ang pag-uusapan natin? Regarding sa career ko. Alam ko na nasa maayos ito dahil wala akong ginagawag masama," kompiyansang sabi ni Shaila. Natawa siya.
"Sure ka, Ms. Shaila? Paano kung sabihin ko sa 'yo na alam ko na ikaw ang nagpadala ng video na iyon na may kinalaman si Keisha! Kapag kumalat ang video na iyon sisiguraduhin ko na magiging miserable ang buhay mo," may diin na sabi ni Landon habang matalim ang mga matang nakatitig kay Shaila. Natawa si Shaila ng malakas.
"Are you sure, Mr. Fernandez na ako ang may gawa niyon? You have evidence?" nakataas ang kilay na sabi nito pero ramdam ni Landon na kinakabahan ito. Pinipilit lang ni Shaila ang sarili na mging matapang.
"Yes, I have evidence. Wait," aniya saka inilabas ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang ninong Arthur niya.
"Hello, ninong. Puwede ko ba makausap si Harold? Hindi kasi naniniwala sa 'kin si Ms. Shaila na alam kong siya ang may pakana ng video na iyon," sabi niya.
"Okay, wait," tugon ni Arthur. Kitang-kita ni Landon na nawalan ng kulay ang mukha ni Shaila ng marinig ang mga sinabi niya lalo na ang pangalan na Harold. Iniloud speaker niya ang cellphone. Kitang-kita ang pangamba sa mukha ni Shaila.
"Ma'am Shaila, sorry. Wala na po akong nagawa ng puntahan nila ako dito at sabihin umamin sa kasalanang nagawa ko. Hindi ko alam kung paano nila na-hack ang computer ko dahil nandoon pa iyon video," paghingi ng paumanhin ni Harold. Magaling na hacker ang kaniyang Ninong Arthur. Nagtaas-baba ang dibdib ni Shaila at magkadikit ang mga labi nito dahil sa galit. Pinatay na niya ang tawag.
"So ano? Kailangan mo pa ba ng pruweba? Base sa CCTV footage na malapit sa Computer Shop ni Harold na pumasok ka roon ng ala-una ng hapon at lumabas ka ng alas-kuwatro ng hapon. Tiyak na binayaran mo ang kita ng shop niya dahil sa buong araw ay walang costumer na pumasok. Ang tanong ang ginagawa mo doon, 'di ba? At ng gabing din iyon natanggap ni Alice ang video. At iyong cellphone # na ginamit mo sa e-mail ay puwedeng nasa iyo pa. Imposibleng itatapon mo ang isang bagay ng basta-basta lang, Shaila. Hindi pa ba sapat na pruweba iyon na ikaw ang may kagagawan ng lahat. And, I think nasa 'yo ang video na iyon. You have the original video, maybe in your files. Ngayon kung hindi ikaw ang may gawa hahayaan mo akong tingnan ang laptop mo para maipakita sa 'kin na wala ka talagang video non," mahabang paliwanag ni Landon. Marunong sa ganito si Landon dahil isinasama siya ng Ninong Arthur niya kapag nasa trabaho ito. Minsan, tinuturuan din siya nito. He's Ninong Arthur was a police detective for more than two decades at dahil mahilig siya sa crime ay sumasama siya rito hanggang sa nagbinata siya ay madami siyang natutunan. Biglang may tumulong luha sa mga mata ni Shaila.
"Ano ba ang wala sa 'kin na mayroon si Keisha? Bakit ang daming nagmamahal sa kaniya? Ako ang naunang naging artista bago siya. Pero bakit mas nakilala siya kaysa sa 'kin?" umiiyakna sabi ni Shaila. Hindi niya maiwasang maawa rito. Kahit naman galit si Landon kay Shaila dahil sa ginawa nito kay Keisha. She still a lady to be respected. Kaya naman kinuha ni Landon ang panyo sa kaniyag bulsa ay ibinigay iyon kay Shaila.
"You don't need to compare yourself to anyone. May mga nauuna talaga sa pagkamit ng mga pangarap. Gawin mo lang ang best mo at gawin mong inspirasyon si Keisha. Hindi naman nakuha ni Keisha ang tagumpay ng basta-basta lang. She work hard for it," seryuso niyang sabi.
"Anong gagawin ko ngayon?" tanong ni Shaila habang pinupunasan ang luha sa mga mata gamit ang panyo.
"Kailangan mong linisin ang pangalan ni Keisha dahil reputasyon niya ang nakasalalay rito," may diin niyang sabi.

Book Comment (96)

  • avatar
    Jr Eric Palacionardem

    Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko

    07/08/2023

      0
  • avatar
    Sul Choie

    I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam

    11/08

      0
  • avatar
    Nathan Cleo Betito

    ok 👌

    02/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters