logo text

The CEO's First Love (Chapter 2)

"Okay. Sasama ako sa 'yo," pinal niyang sabi. Tumalikod na ito saka binuksan ang passeger's door ng truck nito. Sumunod naman siya rito.
"Sakay na," utos nito na dagli naman niyang sinunod. Pagkatapos maisara ang pintuan ay umikot na ito sa kabila at nang makapasok, pinasibad na nito ang sasakyan paalis sa lugar na iyon patungo sa gasolinahan. Ipinikit muna ni Ella ang mga mata at dahil sa pagod, tuluyan na siyang nakatulog.
Hindi maiwasang mapatingin ni Mico sa babaeng natutulog. Alam niyang nag-aalinlangan ito lalo at hindi siya nito kilala. Ngunit hindi niya maaatim na iwan ito sa kalsada lalo na at dis-oras na ng gabi. Kagagaling lang niya sa kabilang probinsiya para ibenta ang nahukay nilang kamote. May kapatid siyang babae kaya walang dahilan para saktan niya ito. Mabuti naman at nagtiwala ito sa kaniya. Pagdating niya sa gasolinahan, nagpakarga siya ng isang daan saka muling bumalik sa kung nasaan ang kotse nito. Nang marating iyon, bahagyang niyugyog niya ang balikat nito. Dahan-dahan itong nagmulat n mga mata.
"Sorry, nakatulog ako. Nasaan na ba tayo?" tanong nito. 
"Narito tayo sa kung saan ka nawalan ng gasolina. May gasolina ako," aniya saka iniangat ang galon ng gasolina. Bumaba siya at pinagbuksan ng pintuan ang dalaga. Inalalayan niya ito na makababa saka tinulungan na ilagay ang gasolina.
"So paano iyan? Iiwan na kita. Mag-iingat ka sa kung saan ka man pupunta," pamamaalam niya. Hahakbang na sana siya ng pigilan siya nito sa braso. Natigilan siya ng maglapat ang kanilang balat. Napakalambot ng kamay nito.
"Wait!" Napatingin siya rito.
"Bakit?" kunot-noo niyang tanong.
"Actually hindi ko alam kung saan ako patungo. Naglayas ako sa 'min. Puwede bang makituloy muna sa inyo ngayong gabi?" tanong nito.
"Sigurado ka? Hindi ka ba nagdududa na masamang tao ako?" paniniyak niya. Umiling ito.
"Kung talagang gusto mo akong gawan ng masama, kanina mo pa sana ginawa 'di ba? Ramdam ko na mabuti kag tao," sabi nito kasabay ng pagsilay ng ngiti sa mga labi nito. Napatingin siya sa labi ng dalaga. Mapupula iyon na parang kaysarap halikan. Tumikhim siya at ibinalik ang tingin sa mukha nito. Mabuti na lang at hindi nito napansin ang ginawa niya. Tumango siya. 
"Sige, doon ka muna sa bahay magpalipas ng gabi. Sundan mo na lang ako," wika niya at sumakay na sa truck. Sumakay na rin ang babae ng sasakyan nito. Pinausad na niya ang sasakyan. Tiyak na magtataka ang magulang niya at mga kapatid dahil may babae siyang kasama.
Hindi maiwasang humanga ni Ella sa ganda ng tirahan ng binata. May mga bundok na nakapaligid. Sa tantiya niya nasa anim ang bahay ang naroon. May daan na semento na patungo roon na dinaanan nila. Huminto sila sa isang sementadong bahay. Maayos at may kalakihan ang bahay ng mga ito. Tiningnan niya ang mga kalapit bahay. Ang iba ay nipa pero maayos at maganda iyon. 
"Pasok ka," anyaya sa kaniya ng lalaki ng mabuksan nito ang pintuan ng bahay. Naglakad na siya palapit rito at pumasok ng bahay. Napanganga siya ng makita ang loob niyon. Ibang klase ang pagkakaayos ng mga kagamitan. Simple lang pero maganda.
"Ang ganda naman ng bahay ninyo," hindi niya napigilang ikomento.
"Ako ang nag-ayos niyan. Halika na. Kailangan mo ng makapagpahinga," sabi ng lalaki. Sumunod siya rito. Nagtungo ito sa pintuan na nasa tabi ng isang pinto. Binuksan nito iyon. 
"Itong kuwarto na ito ay pag-aari ng kapatid kong babae. Nasa Maynila na kasi siya dahil taga-roon ang napangasawa nito. Pumasok ka na. Gigisingin na lang kita bukas para makapag-agahan." Tumango-tango siya. Pumasok na siya sa loob at iginala ang tingin sa loob. Maayos at malinis ang kuwarto. Nagtungo siya sa shelves ng mga libro at tumingin-tingin ng puwedeng basahin pam-paantok. Nang makapili, nagtungo na siya sa higaan at nagbasa. Biglang sumagi sa isip niya ang kaniyang ama. Tiyak na nag-aalala  na ito sa kaniya. Tatawagan na lang niya ito bukas para iparating na nasa mabuti siyang kalagayan at ipinagpatuloy na ang ginagawa. Hanggang sa unti-unting dalawin siya ng antok.
Nagising si Ella dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kaniyang silid. Bumaba siya ng kama at binuksan ang kaniyang silid saka sumilip roon. Nakita niya ang binata na tumulong sa kaniya kagabi na katabi ng isang matandang babae na marahil ay ina nito at isang dalaginding.
"Kuya, girlfriend mo iyong may-ari ng kotse neh?" biro ng dalaginding. Natawa ang binata at ginulo ang buhok ng babae. Sa tantiya niya nasa disi-sais na iyong dalaginding.
"Hindi ko siya girlfriend, Mia. Nakita ko siya sa kalsada kagabi. Walang gasolina at sasakyan niya kaya tinulungan ko siya. Iyon nga lang ay wala siyang tutuluyan kaya pinatuloy ko muna siya rito. Natatanaan mo ba ang tinuro ko sa 'yo noon?" tanong ng lalaki.
"Na dapat tumulong sa mga nangangailangan!" masigla nitong sabi.
"Tama!" Tumayo ang matandang babae.
"Maghahanda lang ako ng agahan natin. Gisingin mo na iyong bisita mo para makakain na siya," bilin ng matanda. Tumayo ito at naglakad patungo sa kaniyang silid. Kaagad niyang isinara ang pinto at nahiga sa kama pero i-dinilat niya ang mga mata. Tatlong katok sa pintuan ang narinig niya mula sa labas. Tumayo siya at binuksan ang pintuan. Masuyong ngiti ang ibinigay sa kaniya ng lalaki.
"Kain na tayo ng agahan," paanyaya nito. Lumabas na siya ng silid saka inilahad ang kamay sa harapan nito.
"Ella Jane Cuaresma pala. Nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko sa 'yo," aniya na nakangiti. Tinanggap naman nito ang pakikipagkamay niya.
"Mico Vera," tugon nito. 
"Halika na kayo! Kain na tayo!" sigaw ng matanda na nasa likuran ng dalawa. Lumingon si Ella at binati ag matanda.
"Magandang umaga po," bati niya. Ngumiti ng matamis ang matanda.

Book Comment (96)

  • avatar
    Jr Eric Palacionardem

    Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko

    07/08/2023

      0
  • avatar
    Sul Choie

    I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam

    11/08

      0
  • avatar
    Nathan Cleo Betito

    ok 👌

    02/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters