Homepage/Compilation Of One Shot 4/
Virgin's Scandal With Kuya Driver (Chapter 10)
"Sa papaanong paraan?"
"Magpatawag ka ng press conference at linisin ang pangalan ni Keisha." Napatayo si Shaila.
"No! I can't do that! Masisira ang reputasyon ko!" sigaw nito. Natawa si Landon.
"Ikaw ang gumawa ng dahilan para masira ang reputasyon mo. Sasabihin mo ang totoo o ako na mismo ang magsasabi sa media. Puwede ka namin kasuhan sa ginawa mo dahil paninirang-puri iyon!" may diin na sabi ni Landon. Nanghihinang napaupo si Shaila.
"Hindi ako puwedeng makulong. Marami pa akong pangarap," malungkot na sabi ni Shaila. Huminga siya ng malalim.
"Gawin mo ang ipinapagawa ko. Puwede mo pa rin maituloy ang pag-aartista dahil along the way makakalimutan rin ng tao ang ginawa mo. Kaysa naman makulong ka. Nasira na nga pangalan mo. Nakulong ka pa 'di ba? Mamili ka."
"Okay. Magpapatawag ako ng presscon mamaya," pinal na sagot ni Shaila na ikinangiti ni Landon. Matapos ang pag-uusap na iyon ay umalis na siya para puntahan ang Ninong Arthur niya. Mamayang gabi na lang siya babalik sa taping ni Keisha.
Nang matapos ang taping, agad na umupo si Keisha. Gabi na iyon at tapos na rin ang taping. Mabuti na lang maaga silang natapos ngayon. Sinikap niyang mawala sa isipan niya ang issue at mag-focus sa ginagawa. Kanina pa hinahanap ni Keisha si Landon pero hindi niya ito makita. Nanonood kasi ito ng taping niya kaya naman ganado siyang umakting. Ngayon ay wala pa si Landon. Sa susunod na araw pa sila aalis. Mas komportable si Keisha sa kaniyang sariling tahanan kaya mamalagi rito.
"Nasaan na ba iyon?" tanong ni Keisha sa sarili habang iginagala ang paningin sa pinagdausan ng taping. Baka hindi lang kasi niya makita si Landon.
"Hey! Sino hinahanap mo?" tanong ni Alice na papalapit sa kniya at naupo sa tabi niya. Tiningnan ni Keisha si Alice.
"Si Landon. Nakita mo ba siya?" tanong ni Keisha. Umiling ito.
"Hindi, eh," ngumisi si Alice. "May gusto ka sa kaniya 'no?" tudyo nitong tanong. Wala namang dahilan para ilihim pa ni Keisha sa kaibigan ang nararamdaman para kay Landon dahil tiyak na kukulitin siya ni Alice hanggang sa umamin siya.
"Oo, mayroon nga. Kaso walang kasiguraduhan na may gusto rin siya sa 'kin," malungkot niyang sabi. Tumawa si Alice ng malakas.
"Ramdam ko rin na may gusto sa 'yo si Landon. Kita ko iyon kapag tinitingnan ko siya na nakatingin sa 'yo." Inirapan ni Keisha ni Alice.
"Huwag mo nga ako paasahin ng ganiyan," kunwari naiinis na sabi ni Keisha. Sasagot na sana si Alice ng biglang nagsalita si Direk Luis. Napatingin ang lahat rito.
"Nasa isang press conference si Shaila at may mahalaga daw itong sasabihin patungkol sa kumakalat na video ni Keisha," malakas nitong sabi saka siya nilingon. Kaya tumayo ang lahat at nagtungo sa loob ng malaking bahay kung saan ginanap ang taping. Binuksan ni Direk Luis ang malaking flat screen tv na nasa wall saka inilipat iyon sa channel ng estasyon nila. Naroon nga si Shaila habang pinapalibutan ng media.
"So, ginawa mo iyon?" tanong ng isang babaeng journalist.
Yes. Nagawa ko iyon dahil sa inggit. And i felt guilty. Nagsisisi ako sa kasalanan na nagawa ko," puno ng sinseridad na sabi ni Shaila.
"Nobody's perfect naman. Sino ang nag-utos sa 'yo na gawin ito? Ang humarap sa medya?" tanong ng isang lalaking reporter.
'His name is L. Fernandez. Marahil tagahanga ni Ms. Keisha. She's lucky dahil may tagahanga siya na handang linisin ang pangalan ni Keisha," sabi ni Shaila. Biglang kumabog ang dibdib ni Keisha. Sino ang L. Fernandez na iyon? Nakaramdam din si Keisha ng dismaya dahil akala niya si Landon ang gagawa ng paraan para ma-solve ang probema niya. Hindi pala. Well, walang sapat na pera si Landon para i-solve ang problema niya. Dahil tiyak ang L. Fernandez na ito ay maimpluwensiya kaya nalaman nito na si Shaila ang may gawa ng video na iyon. Siniko siya ni Alice saka bumulong.
"Ang swerte mo, day! May tagahanga kang ganiyan!" panunukso nito.
"I want to meet him," seryusong sabi ni Keisha. Hindi na nagsalita pa si Alice. Natuon na lang din ang atensiyon ni Alice at Keisha sa TV ng tanungin si Shaila ng isang reporter kung ano ang message nito sa kaniya.
"Sorry sa nagawa ko, Keisha. Wala talagang sekretong hindi nabubunyag. You're lucky to have L. Fernandez. Sana mapatawad mo ako. Hindi man ngayon kundi balang araw," sensirong sabi ni Shaila.
"Paano na ang career mo ngayon? Tiyak na may epekto ito sa pagiging artista mo," sabi ng isang baklang reporter. Ngumiti lamang si Shaila.
"Okay lang. Kung hindi na para sa 'kin ang isang bagay, handa ko itong bitawan. Hangga't may buhay, may pag-asa. To Mr. L. Fernandez, thanks for giving me second chance na ipagpatuloy an buhay ko," sinserong pahayag ni Shaila. Naaawa si Keisha para kay Shaila. Wala siyang magagawa roon dahil ito mismo ang gumawa ng bagay na magiging sanhi ng pagkawala ng career nito. Palakpakan ang mga naroon ng mtapos ang panayam.
"Name cleared!" sabay-sabay na bati ng co-star ni Keisha sa kaniya. Ngumiti si Direk Luis at lumapit kay Keisha. Umalis muna si Alice sa puwesto nito para doon maupo si Direk. Hinawakan ni Direk ang kamay niya.
"Masaya ako dahil lumabas ang katotohanan. Sana ma-meet ko si L. Fernandez para naman personal ko siyang mapasalamatan," nakangiti nitong sabi.
"Soon po. Tiyak na magpapakilala po iyon sa 'kin," ani Keisha.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (96)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
11/08
0ok 👌
02/08
0View All