Homepage/Compilation Of One Shot 4/
Virgin's Scandal With Kuya Driver (Last Chapter)
Ilang araw ng napapansin ni Landon na parang umiiwas sa kaniya si Keisha. Marahil ay galit si Keisha kay Landon dahil hindi siya tumulong para lutasin ng problema nito. Kung alam lang ni Keisha ang totoo, tiyak na hindi magiging ganoon ang trato nito sa kaniya. Narito ngayon si Landon sa mansiyon ng kaniyang Tiyo Carlos Fernandez. Nasa mini bar sila ng mansiyon ng mga sandaling iyon. Pagkatapos maihatid ni Landon si Keisha sa bahay nito ay dito siya dumiretso para humingi ng payo.
"Anong dapat kong gawin tito?" tanong ni Landon habang nagsasalin ng wine sa kaniyang kopita. Katatapos lang din niya maikuwento sa tiyuhin ang problema niya. Huminga ng malalim si Carlos. Alam na rin ni Carlos ang tungkol sa nangyari kay Keisha at ang pagresolba ni Landon sa problema ni Keisha kasama ang kaniyang Ninong Arthur.
"Kailangan mo ng magpakita sa kaniya. Kailangan mo ng ipakilala kay Keisha kung sino ka talaga. Hindi puwedeng nananatili ka lang sa ganiyang kalagayan. Para malaman niya ang ginawa mo, ipakilala mo ang sarili mo na ikaw si Landon Fernandez," ani Carlos habang pinapaikot ang laman ng wine glass habang nakatitig sa kaniya. Bumuntong-hininga si Landon.
"Tiyak na magagalit siya at kamumuhian niya ako tito. Baka nga itakwil pa niya ako, eh!" Ibinaba ni Carlos ang kopita sa bar counter, kinuha ang cellphone ni landon na nakapatong roon at ibinigay sa kaniya.
"Tawagan mo na si Keisha Jimenez at makipagkita ka sa kaniya gamit ang iba mong cellphone #. Hindi naman puwede na gamitin mo ang numero mo na mayroon siya dahil tiyak na malalaman niya agad. Kailanga mo magpaliwanag sa kaniya," ani ni Carlos habang natatawa. "Go! Walang Fernandez na duwag, Landon!" sigaw ng kaniyang tiyuhin. Muli humugot ng malalim na hininga si Landon saka ini-open ang cellphone at nagtungo sa contacts at tinawagan si Keisha.
"Hello, who's this?" tanong ng nasa kabilang linya na walang iba kundi si Keisha. Napapikit siya Landon ng mariin. Tiyak na huling pagkikita na nila ni Keisha kapag nagkataon.
"This is L. Fernandez," sagot niya. Pinakapal niya ang boses para hindi siya nito mabosesan. Tumili si Keisha na nasa kabilang linya.
"L. Fernandez?! Iyong lalaking tumulong sa kin para resolbahin ang problema ko?" tanong ni Keisha. Mahihimigan sa boses nito ang excitement.
"Yes, I am. Puwede ba tayo magkita?" tanong ni Landon saka napatingin sa tiyuhin na mataman lamang na nakikinig.
"Sure! Saan ba? Sa totoo lang gusto na kitang makita para personal na pasalamatan dahil sa ginawa mo. Nang dahil sa 'yo nalinis ang pangalan ko at hindi nasira ang career ko. Sabihin mo lang kung saan at kailan. Ipapa-cancel ko ang taping. Gusto ka rin makita ni Direk Luis para pormal na magpasalamat sa 'yo," mahabang sabi ni Keisha. Mararamdaman sa boses ni Keisha ang saya pero ng mga sandaling iyon ay hindi masaya si Landon. Alam niyang mapuputol na ang ugnayan nila ni Keisha. Pero kailangan niyang harapin ang consequences ng ginawa niya.
"Bukas. Magkita tayo sa La Trace Eatery. See you tomorrow, Ms. Keisha Jimenez," pamamaalam niya.
"Sure! See you tomorrow too," wika nito. Pinatay na ni Landon ang tawag. Napabuga siya ng marahas na hininga. Tinapik ni Carlos ang kaniyang balikat.
Be brave. Alam kong patatawarin ka niya. Hindi biro ang ginawa mo para sa kaniya at maiisip niya iyon. Think positive. Walang maidudulot na mabuti ang pag-iisip ng negatibo," payo ni Carlos. Wala ng nagawa si Landon kundi ang tumango.
Maagang nagtungo si Keisha sa restaurant na usapan nila ni L. Fernandez. Sampong minuto na siyang naghihintay at nakatanaw lamang sa glass door ng restaurant para tingnan ang mga taong pumapasok. Hanggang sa nakita niyang pumasok si Landon. Kumunot ang noo ni Keisha. Anong ginagawa ni Landon rito? Sa totoo lang, hindi man nito nagawa ang ipinangako nito hindi nabawasan ang pagtingin ni Keisha kay Landon. Siguro nagtatampo lamang siya rito. Gusto lang niya makita si L. Fernandez. Iyon lang iyon. Mas ipinagtaka niya dahil patungo ito sa direksiyon niya.
"Anong ginagawa mo rito, Landon? May kakatagpuin ako," paaalam niya.
"Puwede ba akong umupo?" tanong ni landon. Tumango si Keisha.
"Sige," aniya. Naupo sa katapat niyang upuan si Landon.
"Kamusta ka?" tanong nito.
"Ayos lang naman," tugon ni Keisha. "Bakit ba ang tagal ni L. Fernandez?!" naiinis niyang bulong sa sarili. Siya pa man din ang tipo ng babae na ayaw na may na-la-late. Usapan nila na baka ten minutes itong mala-late at hanggang ngayon wala pa rin?
"Bakit hindi mo siya tawagan?" suhestiyon ni Landon. Napatitig si Keisha kay Landon. Bakit ba ang guwapo nito? Sa totoo lang miss na ni Keisha si Landon. Miss na miss na niya. Huminga si Keisha ng malalim at kinuha ang cellphone sa hand bag at tinawagan si L. Fernandez. Ngunit laking-gulat niya ng tawagan niya ito ay nag-ring din ang cellphone ni Landon. Sinagot ni Landon iyon kasabay ng pagsagot din ni L. Fernndez. Inilagay iyon ni Landon sa taenga nito.
"Hello," tugon ni Landon habang titig na titig sa kaniya. Samantala, natulos si Keisha sa kinauupuan habang nakabuka ang mga labi. Ano ang ibig sabihin nito? Si Landon at si L. Fernandez ay iisa? Pero nais niyang makasiguro. Baka pinahiram lang ni L. Fernandez ang cellphone kay Landon dahil gusto siya nitong i-prank pero mamaya pupunta rin dito. Pero iyong boses ni Landon at ni L. Fernandez ay iisa.
"Bakit nasa 'yo cellphone # ni L Fernandez?" nagdududa niyang tanong. Huminga ng malalim si Landon.
"Ako at si L. Fernandez ay iisa." parag bomba iyon na sumabog sa pandinig ni Keisha. Umiling iling si Keisha.
"So, niloloko mo lang pala ako?" tanong ni Keisha. Kaunti na lang ay tutulo na ang luha niya dahil sa sama ng loob. Nagyuko ng ulo si Landon.
"I'm sorry, Keisha. Nagawa ko lamang iyon dahil gusto kong mapalapit sa 'yo Keisha. Kailangan kong gawin iyon para makilala mo ako para lagi kitang makasama. Iyon lang kasi ang naisip kong paraan para mapalapit sa 'yo. Patawarin mo ako, Keisha," ani Landon saka ginagap ang kamay niya na nakapatong sa mesa. Hnila niya iyon.
"Nagpapasalamat ako dahil iniligtas mo ako sa kahihiya, Landon. Ngunit hindi ko akalain na magagawa mo sa 'kin ito. Fernandez pala ang totoo mong apelyido at tito mo si Sir Carlos Fernandez. Kaya pala nagtataka ako sa accent mo at sa kung pano ka itratoo ni Sir Fernandez para ipagkatiwala sa 'yo ang rest house niya. Siguro ikaw din ang may kinalaman sa hindi pag-renew ng contract ni Aaaron sa Icon TV." Tumayo siya. Hindi niya akalain na magagawa ito ni Landon sa kaniya. "I have to go. Magmula ngayon I'll fire you as my personal driver," pagtatapos ni Keisha sa usapan nila saka lumabas sa kinauupuan. Akmang aalis na ng hawakan ni Landon ang kaniyang kamay. May mga ilang costumer na napapatingin sa kanila.
"Huwag mo sana akong kamuhian," nagmamakaawang sabi ni Landon. Napapikit ng mariin si Keisha.
"Bigyan mo muna ako ng space para makapag-isip, Landon," matigas niyang sabi. Bnitawan na ni Landon ang kaniyang kamay. Naglakad na siya palabas ng reestaurant ng hindi nililingon si Landon.
"Hoy, tama na iyan!" awat ni Jonas kay Landon sabay kuha ng wine glass sa kaniyang kamay. "Nakakarami ka na," dagdag pa nito. Tiningnan ni Landon si Jonas.
"Ito na ang kinatatakutan ko, Jonas. Ang mawala siya sa 'kin. Hindi ko kaya na mawala siya. Anong gagawin ko?" nagmamakaawa niyang sabi. Sinuntok ni Jonas sa dibdib si Landon.
"Huwag ka ngang OA diyan! Kasasabi niya lang na bigyan mo siya ng space. Syempre nasaktan si Keisha. Sino ba naman ang hindi masasaktan sa ginawa mo? Nagsinungaling ka sa kaniya. At least, she was grateful that you saved her. Bigyan mo siya ng isang linggo. After non suyuin mo siya. Sa ngayon kasi hindi mo magagawa iyan. Kaya imbes na maglasing ka, patunayan mo na deserve mo siya. Dahil tinanggal ka niya kailangan mo ng bumalik sa kompanya para pamahalaan iyon," ani ni Jonas na natatawa pa dahil tinanggal siya ni Keisha bilang driver. Binigyan ni Landon ng masamang tingin si Jonas.
"Bibigyan ko siya ng one wek. After 'non, susuyuin ko na siya," determinado niyang sabi.
"Tama!" segunda ni Jonas. Hindi papayag si Landon na mawala pa sa kaniya si Keisha. Gagawin niya ang lahat. By hook or by crook. After ng pag-uusap nila ni Jonas ay nagtungo na siya sa kompanya at nagtungo sa opisina ng ama.
"Ako na ang mamamahala sa kompanya magmula bukas, dad." Ngumiti ang kaniyang ama.
"Mabuti naman kung ganoon," nakangiting wika ng kaniyang ama. Tumayo ito at nilapitan si Landon. "Ano ang naisip mo at bumalik ka?" nakangising tanong ng kaniyang ama.
""Gusto kong mapatunayan na kayang-kaya ko na siyang buhayin at hindi na niya kailangang mag-artista," tugon ni Landon. Mas lumapad ang pagkakangisi ng kaniyang ama.
Si Keisha Jimenez ba iyan?" Ngumiti si Landon.
"Yes, dad." Natawa ng malakas ang kaniyang ama.
"You're in love," komeno nito.
"Yes, dad. I'm in love," tugon naman niya.
"Magkuwento ka naman. Si Tito Carlos mo alam niya iyan ako hindi? Naku, hindi ako papayag," kunwari nagtatampo na sabi ng kaniyang ama. Natawa na lamang si Landon at nagsimula ng magkuwento.
"Cut!" sigaw ni Direk Luis. Tumigil si Keisha pati ang mga kasama niya sa taping. Umupo si Keisha sa upuan na nasa gilid at bumuntong-hininga. Wala si Alice ngayon dahil nasa bago itong proyekto. Malapit na rin kasing matapos ang taping at may susunod na rin siyang project. Inabutan siya ni Marion ng tubig. Ang leading man niya.
"Thank you," tugon ni Keisha. Uupo na sana si Marion sa tabi niya ng lumapit sa kanila si Direk Luis.
"Puwede ko ba siyang maka-usap sandali, Marion?" tanong nito.
"Sure po," pagsang-ayon ni Marion at dali-daling umalis at nakipag-usap sa iba. Umupo sa tabi niya si Direk Luis.
"Okay ka lang, Keisha? Kanina ko pa napapansin na hindi ka makapag-focus. May problema ba?" nag-aalala nitong tanong. Nagpapasalamat si Keisha dahil napakahaba ng pasensiya ng direktor nila. Hindi ito basta-basta nagagalit. Malamlam ang mga matang napatingin si Keisha rito.
"Si Landon at si Mr. Fernandez ay iisa, Direk," pagtatapat niya. Napatakip pa ng bibig si Mr. Luis dahil sa labis na pagkabigla. Gay kasi ito.
"Oh my! Ano ba ang nangyari?" pang-uusisa nito. Wala na siyang nagawa kundi ikuwento rito ang lahat-lahat. Parang tatay na rin kasi ni Keisha si Direk Luis at minsan napagsasabihan rin niya ng problema. Malalim na napabuntong-hininga si Direk Luis ng matapos siyang magkuwento.
"Iba talaga ang nagagawa ng paghanga. Pero tandaan mo kung hindi dahil sa kaniya hindi malilinis ang pangalan mo, Keisha. Utang na loob mo iyon sa kaniya. Talagang nakakasama ng loob ang ginawa niya pero lahat naman tayo nagkakamali at nagkakasala. Patawarin mo siya. Mas nakakagaan sa loob ang magpatawad," payo ni Direk Luis sa kaniya.
"Opo. Handa ko po siyang patawarin pero sa ngayon po kasi masama pa rin ang loob ko sa kaniya. Kailangan ko muna ng space para mawala ang galit at tampo na nararamdaman ko." Tumango-tango si Direk sa sinabi ni Keisha.
"Mabuti pa nga iyan. Mabuti iyan nasabi mo sa 'kin ang nararamdaman mo. Gumaan ba ang pakiramdam mo?" tanong nito. Ngumiti si Keisha.
"Opo. Salamat po sa pakikinig at pagbibigay ng payo," puno ng sinsero na sabi ni Keisha.
Ngayon ang ika-anim na araw na ibinigay ni Landon para pahupain ang galit ni Keisha. Miss na miss na niya si Keisha. Nakatayo si Landon at nakaharap sa malaking salamin ng kaniyang opisina kung saan makikita ang buong lungsod. Gusto na niyang makaausap ito. Siguro sapat na ang anim na araw na ibinigay ni Landon kay Keisha. Biglang may kumatok sa kaniyang pintuan. Bumukas iyon at pumasok ang kung sinuman na kumatok. Ang akala ni Landon, sekretarya niya iyon.
"Luisa, 'di ba sinabi ko naman sa 'yo na ayaw ko muna magpaistorbo?" naiinis na sabi ni Landon ng hindi nililingon ang pumasok.
"So, kung ako ang iistorbo, hindi puwede?" Natigilan si Landon. Kilala niya ang boses na iyon! Nananaginip ba siya dahil namimiss niya si Keisha kaya naririnig ni Landon ang boses nito? Dahan-dahan siyang lumingon para makasiguro na si Keisha nga ito. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang naroon nga si Keisha, nakatayo at may matamis na ngiti sa mga labi.
"Keis--ha?" nagkandautal-utal na sambit ni Landon sa pangalan ng dalaga. Dahan-dahan lumapit si Keisha. Napakaganda nito ngayon. Nakasuot si Keisha ng fitted red dress na hanggang hita ang haba at kinulot pa ang dulo ng buhok nito. Nakatingin lamang si Landon kay Keisha habang naglalakad. Huminto ito ng ilang pulgada na lang ang layo ni Keisha sa kaniya.
"Na-miss mo ba ako?" tanong ni Keisha. Tumango-tango si Landon.
"Oo naman. Sobrang na-miss kita," pagtatapat niya. Nagyuko ito ng ulo.
"I'm sorry kung hindi ko agad tinanggap ang pakikipag-ayos mo sa 'kin nong nasa restaurant tayo. Nagtatampo at nagagalit pa kasi ako non sa 'yo," paghingi ni Keisha ng paumanhin. Inilagay ni Landon ang hintuturo sa baba ni Keisha at gamit iyon ay itinaas niya ang mukha nito. Nagkatitigan sila.
"Ayos lang iyon, Keisha. Naiintindihan kita. Kaya nga binigyan muna kita ng isang linggo para makapag-isip. Ang balak ko pupuntahan kita sa inyo at susuyuin kaso nandito ka naman na eh," Ngumiti si Keisha sa sinabi ni Landon.
"Hindi mo na kailangan gawin iyon, Landon. Nandito na ako dahil ako ang susuyo sa 'yo," ani Keisha at mabilis siyang hinalikan sa labi. Nagulat si Landon sa ginawa ni Keisha pero nang makabawi tinugon niya ang mapangahas nitong halik. Ipinalibot ni Landon ang mga kamay sa bewang ni Keisha at hinapit ito palapit sa kaniyang katawan. Nang matapos ang mainit na tagpo na iyon. Pinagdikit ni Landon ang kanilang noo saka pinakatitigan si Keisha.
"Mahal na mahal kita, Keisha. Alam ko na hindi mo matutugunan ang pagmamahal ko sa 'yo pero at least sinabi ko na--"
"Mahal din kita, Landon. Mahal na mahal kita. Habang magkasama tayo lagi, napagtanto ko na mahal na kita. Ibang-iba ka sa mga lalaking nakilala ko. Hindi ko na pinirmahan ang bagong proyekto na ibinibigay sa 'kin dahil aalis na ako sa pag-aartista. Gusto kong ituon ang atensiyon ko sa bubuuin nating pamilya," pagbibigay-alam ni Keisha. Napaawang ang labi ni Landon. Hindi niya akalain na gagawin iyon ni Keisha para sa kaniya. Siniil ni Landon ng halik si Keisha dahil sa bugso ng damdamin. At nang sandaling iyon ay may namagitan sa kanila. Hindi naman nagsisisi si Keisha na ialay ang sarili sa lalaking minamahal. Nang mga sandaling iyon, masayang-masaya si Keisha dahil natagpuan na niya ang lalaking hindi sasayangin ang pagmamahal na ibibigay niya.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (96)
Share
End
Recommendations for you
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
11/08
0ok 👌
02/08
0View All