Magandang umaga rin iha," ganting-bati nito. Nagtungo na sila sa kusina kung saan ay naroon ang dalagita na nakita niya kanina. Napatingin ito sa kaniya at ngumiti. "Hello ate," bati nito. Kumaway siya. "Hello," ganting-bati niya. Umupo na sila sa hapag-kainan at nagsimulang kumain. Panay kuwento sa kaniya ng dalagita na pinapakinggan naman niya. "Uuwi ka na mamaya, ate?" tanong nito sa kaniya. Napakagat-labi siya. Hindi pa siya puwedeng umuwi ngayon dahil tiyak na ipagkakasundo siya ng kaniyang ama sa lalaking hindi niya mahal! Hindi niya hahayaan iyon. Hindi naman puwedeng manatili siya rito. Nakakahiya dahil nakakabala siya. Napatingin siya kay Mico na nahuli niyang nakatitig sa kaniya. Na-concious siya sa sarili dahil sa titig nito. Agad niyang ibinaling ang tingin sa dalagita. "Oo, eh. Kailangan na kasing umuwi ni ate," tugo niya. Biglang nalungkot ang dalaga. Sinuyo na lamang ito ng kaniyang ina na kailangan na niyag umuwi dahil baka hinahanap na siya. Pagkatapos kumain ay nagtungo siya sa laabas ng bahay. Nag-prisinta siyang maghugas pero hindi siya pinagbigyan. Tatawagan niya ang kaniyang ama. Gusto niyang ipaalam rito na nasa mabuti siyang kalagayan. Kahit ganoon man, ama pa rin niya ito. Ini-on niya ang cellphone na hinugot niya sa kaniyang bulsa ng suot na pantalon. Text messages ang natanggap niya mula sa ama na nagtatanong kung nasaan siya dahil nag-aalala na ito. Huminga siya ng malalim at i-dinial ang numero ng ama. Ilang ring din ang lumipas bago nito iyon sinagot. "Anak! Mabuti naman at tumawag ka! Alalang-alala na ako sa 'yo. Saan ka ba nagpunta?" puno ng pagaalala nitong tanong. "Gusto ko muna mapag-isa, dad. Hindi ko gusto ang plano ninyo na ipakasal ako sa lalaking hindi ko mahal, dad!" puno ng hinanakit niyang sabi. "Anak para rin iyon sa ikabubuti mo," masuyong sabi ng kaniyang ama. Umiling siya na para bang nasa harapan niya ang ama. "No, dad. Dito muna ako sa lugar kung saan ako naroon. PLease dad gusto ko muna mapag-isa. Don't worry, ayos lang ako. Wala kayong dapat ipag-alala," aniya saka pinatay na ang tawag. Papalabas na sana si Mico sa bahay ng marinig niya si Ella na may kausap sa cellphone. Natigilan siya ng marinig na tinawag ng dalaga ang kausap na dad lalo na ang plano ng ama nito na ipakasal ang dalaga sa isang lalaki na hindi nito mahal. Pagkakita pa lang niya ang babae kaninang madaling araw ay alam niya ng mayaman ito. Sa sasakyan pa lang ay alam niyang hindi biro ang halaga niyon. Sa kutis, pananalita at pananamit ay talagang lumaki itong may ginintuan kutsara sa bibig. Nang mailagay nito sa bulsa ng pantalon ang cellphone ay nagsalita siya. "Puwede kang mag-stay rito hanggang kailan mo gusto," sambit niya. Kumunot ang noo nito. "Narinig ko ang mga sinabi mo. Palabas na ako kaya hindi sinasadya na marinig ko," sabi niya. "Okay lang," sabi nito saka sumandal sa pader. "Alam mo naman kapag negosyante ang magulang mo, ayaw nilang ma-ikasal ang anak nila sa isang dukha or sabihin na lang natin na gusto nila na mayaman din at negosyante rin ang mapapangasawa. Kahapon ko lang nalaman na desidido siya na ipakasal ako sa anak ng isang negosyante. Umalis ako at pinatakbo ang sasakyan sa kung saan na walang tiyak na patutunguhan. Kung hindi mo lang ako nakita baka napano na ako," wika nito sa kaniya saka ngumiti. "Salamat sa pagtulong sa 'kin," puno ng sinseridad nitong sabi. Hindi niya maiwasang matitigan ito. Napakaganda ng mga mata nito. Natural rin ang kapal ng kilay nito. Hindi niya akalain na makakakita siya ng ganitong kagandang babae. "Walang anuman. Kahit sino naman ang nasa kalagayan ko ay tiyak na tutulungan ka basta malinis ang intensiyon. Kaya magpasalamat ka sa nasa Itaas dahil hindi ka niya pinabayaan," sabi niya. Nanatili sila sa ganoong sitwasyon hanggang sa magpaalam siya rito na aalis na muna dahil kailangan niyang i-deliver ang mga kamote sa kanilang supplier. Kanina pa gustong umuwi ni Mico dahil gusto niyang makita si Ella. Hindi niya alam pero excited siyang umuwi ng mga sandaling iyon. Excited siyang makita ang dalaga. Hinihintay na lang niya ang supplier na ibigay ang bayad sa kaniya. Naglabas pa kasi ito ng pera sa bangko. Narinig niya ang ugong ng sasakyan na papalapit sa kinaroroonan niya. Narito na si Mr. De Lara. Umibis ito ng sasakyan saka lumapit sa kaniya at ibinigay ang bayad. "Maraming salamat po," magalang niyang sabi. "Sa susunod ulit," nakangiti nitong sabi. Nang makapasok sa bahay si Mr. De Lara, pinasibad na niya ang sasakyan paalis. Magtatanghali na rin kasi kaya nakakaramdam na siya ng gutom. Napagdesisyonan niya na sa bahay na lang kumain. Nang makarating sa bahay. napatingin siya sa terrace ng kanilang bahay kung saan naroon si Ella at ang kaniyang kapatid na si Mickaela. Masayang nag-uusap ang mga ito. Napatingin sa kaniya ang kaniyang kapatid at itinuro siya. Mukhang ipinapaalam nito sa dalaga na dumating na siya. Napatingin naman sa kaniya ang dalaga. Kitang-kita ang pamumula ng mukha nito. "Hindi sanay sa init," hindi niya napigilang sabihin sa sarili. Agad niyang ipinarada ang sasakyan sa di-kalayuan at bumaba. Nagtungo na siya sa terrace. Hindi niya maiwasang maconcious sa kung paano siya tingnan ni Ella. Guwapo ba kaya siya ng mga sandaling iyon? "Hello," bati nito sa kaniya ng makalapit siya. Ngumiti siya. "Hi," tugon naman niya. "Kumain ka na ba?" Umiling ito. "Hindi pa. Hinintay kita para may kasabay ka," bigla itong natigilan. "Iyon lang. Baka kumain ka na," bawi nito. Natawa siya ng mahina. "Talagang umuwi ako para sabayan kang kumain," sabi niya. Napakagat-labi ito. Bakit ang cute nito kapag kagat nito ang labi? Hindi niya tuloy maiwasang mapatingin sa mapupulang labi. Parang kaysarap iyon halikan. Ipinilig niya ang ulo dahil sa isiping iyon. Kung saan-saan naglalayag ang kaniyang isipan. "Tara kain na. Pagkatapos natin kumain, ipapasyal kita," sabi niya. Nanlaki ang mga mata nito. "Talaga?!" bulalas nito. Ngumiti siya.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (96)
Jr Eric Palacionardem
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0
Sul Choie
I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
11/08
0ok 👌
02/08
0View All