"Oo. Maraming puwedeng pasyalan rito. May falls din sa malapit." Tumango-tango ito. Agad itong sumang-ayon at niyaya na siyang kumain. Ito na rin ang nag-prepare ng kakainin nila. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti dahil sa pagiging maasikaso nito. pagkatapos nilang kumain, ito na rin ang naghugas ng pinggan. Nagtungo muna siya sa kaniyang motor para i-check kung maayos iyon nang tumabi sa kaniya ang kaniyang kapatid. "Type mo si Ate Ella 'no?" panunukso nito. Napatingin siya sa kapatid. "Ano ba iyang sinasabi mo, Micka. Hindi ko type si Ate Ella mo," pagkakaila niya. Tinusok-tusok nito ang tagiliran niya. "Wew, ramdam ko na type mo siya. Kita ko kung paano mo siya tingnan kaya!" pang-aasar nito. Kinurot niya ito pero hindi naman iyon gaanong madiin. "Ikaw, kung ano-ano ang napapansin mo. Dapat hindi iyan ang pagtuunan mo ng pansin. Malapit na pasukan niyo dapat doon mo ituon ang sarili mo." Natawa lamang ang kapatid saka patakbong umalis. Nang medyo malayo na ito, humarap ito sa kaniya. "Sasabihin ko kay Ate Ella na type mo siya," pagbabanta nito saka pinandilatan siya. Napailing-iling na lamang siya na sinundan ito ng tanaw. Hindi naman nito iyon magagawa. Kilala niya ang kapatid. Mapang-asar lang talaga ito. Nang makitang maayos na ang motor niya ay hinintay niya ang dalaga na makalabas ng bahay. Umupo muna siya sa upuan na nasa lilim ng punong-kahoy. Nang matapos maghugas ng pinggan, makapagwalis ng bahay at makapag-walis ng bahay at makapagpalit ni Ella, lumabas na siya ng bahay. Nakita niya di-kalayuan si Mico. Nasa lilim ito ng mayabong na punong-kahoy at nakaupo. Mukhang natutulog ito. Nagmamadali siyang lumapit rito at marahang niyugyog ang balikat. "Mico, gising na. Tara na," anyaya niya sa lalaki. Dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata. Nagkatitigan sila. "Ang ganda mo naman," puri nito sa kaniya. Hindi niya maiwasang kiligin sa sinabi nito. Oo, inaamin niya may atraksiyon siyang nararamdaman para sa binata. Sino ba naman ang hindi magkakagusto rito? Napaka-ginoo nito, matulungin pa. Idagdag na lang ang taglay nitong kaguwapuhan at kakisigan. "Salamat sa papuri," namumula ang pisnging sabi niya. Nakasuot kasi siya ng sundress at tenernuhan iyo ng sumbrero niya na paborito niyang isuot. Talagang bumagay kay Ella ang suot niya. "Let's go?" tanong nito. Napatingin siya sa motor nito na nasa tabi nito. Tinuro niya iyon. "Dito tayo sasakay?" tanng niya. First time siya sasakay sa ganito kung sakali. Ayaw kasi ng dad niya na umitim siya. "Yes pero baka umitim ka?" nag-aalangan nitong tanong. Napangiti siya ng malapad. "Ano ka ba, ayos lang iyon! Babalik din naman ito kapag nasa Maynila na ako. Tara na! Excited na ako sa pupuntahan natin!" puno ng pananabik niyang sabi. Kinuha nito ang helmet na nasa salamin at isinuot iyon sa kaniya. "Yo need this for safety purposes," sabi nito. Pagkatapos siya nito lagyan ng helmet at ma-i-lock iyon, nagsuot naman ito ng sariling helmet. Umangkas ito at inalalayan siyang makaangkas saka pinasibad iyon paalis. Agad siyang napayakap rito dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito. Hindi niya tuloy mapigilan na amuyin ang pabango nito. Lalaking-lalaki ang pabango nito. Ito ang unang pagkaataon na naki-angkas siya sa isang lalaki. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman na kayakap niya ang binata. Nang marating nila ang falls na medyo may kalayuan, halos mapanganga siya sa ganda niyon. Ipinark ni Mico ang motor sa itaas saka iginiya siya pababa. "Sure ka? Safe ang motor mo diyan sa itaas? Baka kunin iyan," sabi niya. Natawa ito ng mahina. "Walang kukuha diyan. Safe iyan," sabi nito. Napatango-tango na lamang siya. Natigilan siya ng hawakan nito ang kamay niya. Ngunit ng makabawi, sumunod na lamang siya rito pababa patungo sa falls. Kung mas maganda ito sa itaas, mas maganda pala ito sa malapitan. "Wow!" hindi niya napigilang maibulalas. Ang ganda ng nature! Nakakawala ng stress at problema. Napasigaw siya ng hilahin siya ni Mico sa tubig. "Mico ano ba! Ang lamig!" kanda-hiyaw niya. Tumawa lamang ang binata sa sinabi niya. Nang nasa tubig na siya, tinanggal niya ang kaniyan suot na sundress. Nakita tuloy ni Mico ang kaniyang maputing katawan higit lalo ang kaniyang kaseksihan. Napatitig sa kaniya ang binata. Nakaramdam ng kasiyahan si Ella dahil kita niya sa mga mata ng binata ang paghanga. "Baka matunaw ako niyan," pagbibiro niya. Tumikhim ito at tiningnan siya. "Napaka-swerte ng lalaking magugustuhan mo," sabi nito. Ako ang maswerte Mico dahil nakilala ko ang isang katulad mo, sa isip-isip niya. Dumakot siya ng tubig gamit ang kaniyang palad saka isinaboy iyon sa binata. Natawa naman ito sa ginawa niya. Gumanti rin ito ng saboy sa kaniya hanggang sa magsabuyan na sila. Napuno ng tawa nilang dalawa ang falls. Nang mapagod, naupo sila sa isang malaking tipak ng bato na kasya silang dalawa. "Alam mo ba na ngayon lang ulit ako nakapunta sa ganito?" hindi niya napigilang sabihin. "Siyudad kasi sa inyo at tiyak na busy ka kaya hindi mo magawang mamasyal diba?" "Oo at saka maraming ginagawa sa opisina," aniya saka napabuntong-hininga. Nakita niya sa gilid ng kaniyang mga mata ang pagsulyap sa kaniya ni Mico. "Mas mainam siguro na bumalik ka na sa inyo. Tiyak na nag-aalala na sa 'yo ang dad mo. Kausapin mo siya na ayaw mong magpakasal sa lalaking inerereto niya sa 'yo. Walang problemang nasosolusyonan at walang bagay na hindi nadadaan sa maayos na usapan," puno ng sinseridad nitong sabi. Napatingin siya sa binata. Hindi niya akalain na makakatagpo siya ng kagaya nito. Ngumiti siya.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (96)
Jr Eric Palacionardem
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0
Sul Choie
I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
11/08
0ok 👌
02/08
0View All