"Salamat, Mico. Salamat sa pagpapalakas ng loob mo sa 'kin," buong-puso niyang sabi. Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kaniyang mukha hanggang sa inilapit labi nito ang labi sa kaniyang labi. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata at hinintay na maglapat ang kanilang labi. Ibinuka niya ang bibig ng dumampi ang labi nito sa kaniyang labi. Sa una ay dahan-dahan lang iyon hanggang sa naging mapusok. Nagtungo na rin ang kamay ng binata sa parte ng katawan niya na nagbibigay init sa kaniya. Hinihingal na tumayo ito. Pinulot nito ang kaniyang sundress at ibinigay iyon sa kaniya. "Isuot mo, aalis na tayo, Ella," malamig nitong sabi. Kaagad naman niya iyong kinuha saka isinuot. Nang matapos ay sabay na silang umakyat. Hindi sila nag-iimikan habang paakyat hanggang sa narating nia ang kanilang destinasyon. "Mag-iingat ka, iha," payo sa kaniya ng ina ni Mico na Gina. Ngumiti siya. "Maraming salamat po sa pagpapatuloy niyo sa 'kin rito," tugon niya. Napatingin siya kay Mico saka ngumiti. "Maraming salamat Mico," sabi niya. Matapos makapagpaalam ay sumakay na siya ng kaniyang kotse at pinasibad iyon paalis. Habang paalis, hindi niya maiwasang malungkot dahil hindi man lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na aminin kay Mico ang nararamdaman. Pero sinabi niya sa ina nito kung ano ang exact address niya para kung sakali ay mapuntahan siya ni Mico. Ngunit alam niyang hindi siya nito pupuntahan. Hindi naman siya mahalaga rito. Ang paghalik nito sa kaniya ay bunga lamang ng tukso. Hindi niya tuloy maiwasang masaktan sa isiping iyon. Nang makarating sa kanila, ay agad siyang sinalubong ng kaniyang ama ng mhigpit na yakap. "Anak!" naluluha nitong sabi. Na-miss man niya ang ama. Sobrang nagdamdam lamang siya dahil sa naging balak nito sa kaniya. "Balak niyo pa rin ba ako na ipakasal sa lalaking iyon?" nagtatampo niyang sabi. Sinapo ng kaniyang ama ang kaniyang pisngi. "Hindi na anak. Ngayon ko napagtanto na mas mahalaga ka kaysa sa kung anumang kayamanan na hinahangad ko. Ikaw ang kayamanan ko, anak. Patawarin mo si dad. Akala niya kasi iyon ang makabubuti sa 'yo pero hindi pala. Handa mo ba akong patawarin,anak?" puno ng pagmamakaawa nitong sabi. Pinakatitigan niya ang ama. Walang dahilan para hindi niya patawarin ang ama. Ama pa rin niya ito at malaki ang utang na loob niya rito. Niyakap niya ang kaniyang ama ng buong higpit. "Oo naman po, dad. Handa kitang patawarin. Na-miss po kita," naluluha niyang sabi. "Namimiss mo siya 'no?" ang tanong na iyong ng ina ni Mico ang ngpabalik sa kaniya mula sa kasalukuyan. Nasa isip niya kasi ang dalaga. Iniisip kung kamusta na ba ito o baka ipinakasal na sa lalaking gusto ng ama nito para sa kaniya. Tiyak na hindi na iyon mangyayari. Siguradong narealize ng ama ni Ella na mas mahalaga ang anak nito kaysa sa kayamanan. "Yes, ma. Namimiss ko siya. Sobra. Kahit papaano may pinagsamahan kami lalo at ilang araw rin siya rito," pagkakaia niya. Dahil ang totoong rason kung bakit namimiss niya ito ay mahal na niya ito. Hindi mahirap mahalin si Ella. Natawa ng malakas ang kaniyang na ikinabaling niya rito. "At para saan naman iyang tawa na iyon, ma?" kunot-noo niyang tanong. Tumingin ito sa kaniya at kinurot siya sa tagiliran. "Ma!" nakangiwi niyang sabi. "Anak kita kaya alam ko na may pagtingin ka kay Ella. Napapansin ko iyon sa kung paano mo siya tingnan at titigan. Gsto mo siya 'no? Ay hindi! Ang tama palang tanong, mahal mo na siya 'no?" nakataas ang kilay nitong sabi. Huminga siya ng malalim. Wala talaga siyang maililihim sa ina. "Yes, ma. Mahal ko na siya. Pero alam ko naman na imposible na maging kami dahil sa estado namin sa buhay. Mayaman siya ma at tayo ay maykaya lamang. Baka hindi rin ako tanggapin ng ama niya," nakayuko niyang sabi. Napatingin siya sa kaniyang ina ng hawakan nito ang kaniyang kamay. "Anak, bago ka mag-isip ng negatibo. Subukan mo muna. Malay mo gusto ka rin pala ng ama ni Ella para sa kaniya di ba?" "Ang tanong, gusto rin kaya ako ni Ella?" nag-aalangan niyang sabi. Nakaramdam siya ng kaba na baka hindi siya nito gusto. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Malalim na napabuntong-hininga si Gina at binatukan ang anak. "Wala akong binatang torpe! Eh di ligawan mo! Patunayan mo kay Ella na mabuti ang intensiyon mo sa kaniya!" singhal nito. Napangiti siya at niyakap ang ina. "Salamat ma sa pagpapalakas ng loob sa 'kin," aniya. Hinagod ng kaniyang ina ang likod niya. "Basta para ikasisiya ng anak ko," tugon nito. Nang mga sandaling iyon ay napagpasiyahan ni Mico na lumuwas NG Maynila bukas para ligawan ang babaeng tinitibok ng puso niya. "Okay ka lang, anak?" tanong ng ama ni Ella habang sila ay kumakain sa hapag-kainan ng agahan. Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ang ama. Namimiss ko po kasi doon sa tinuluyan ko. Naging mabuti kasi sila sa 'kin," aniya. Pero ang totoo may isang tao siyang gustong makita. Si Mico. Kamusta na kaya ito? Naiisip din kaya siya nito o kaya ay na-mi-miss? O baka tuluyan na siya nitong kinalimutan. "Pupunta tayo doon one of this days." Ngumiti siya. "Salamat, dad." Nasa opisina si Ella ng mga sandaling iyon at kasalukuyang nag-re-review ng report ng bawat kagawaran. Ngunit ang kaniyang atensiyon ay na kay Mico. Halos wala na siyang natapos sa ginagawa. Pinag-iisipan niya kung pupunta ba siya ngayon sa kanila. Malalim siyang napabuntong-hininga. NAPATINGIN siya sa pinto ng biglang may kumatok. Tatlong katok ang ibinigay hanggang sa bumukas iyon. "Yes, Mica?" tanong niya sa sekretarya ng kaniyang ama. Pumasok ito. Napatingin siya sa hawak nitong envelope. Para sa kaniya ba iyon? Doon nga niya napagtanto na para sa kaniya iyon ng ilapag ni Mica ang envelope sa kaniyang harapan, sa mesa. "May nagpapabigay po. Pinabigay lang ni Nica sa 'kin," tugon nito. Si Nica ay ang receptionist nila na kakambal ni Mica. Kung sa ibang kompanya bawal ang magkapatid o magkamag-anak, dito sa kompanya nila ay puwede. Wala namang masama roon as long as ginagawa mo ay tama. Kinuha niya iyon, binuksan at binasa ang nakasulat. Natigilan siya ng mabasang kay Mico iyon. Niyayaya siya ng isang date. Napakagat-labi siya. Ibig bang sabihin nito may gusto rin sa kaniya ang binata? Kaya, excited niyaang tinapos ang mga ginagawa. Pagdating ni Ella sa restaurant kung saan sila magkikita ni Mico. Agad siyag inalalayan ng crew patungo sa terrace. Iginiya siya nito saupuan para maupo. Matapos magpasalamat, umalis na rin ito. "Pasensiya ka na kung ngayon lang ako nagtungo rito sa Maynila," tinig iyon na nagmumula sa kaniyang likuran. Hindi na niya kailangang lingunin pa ang nagsalita dahil kilalang-kilala na niya ang boses ng binata. Narinig niya ag tunog ng sapatos nito na naglalakad palapit sa kaniya. Napasinghap siya ng may iabot itong pumpon ng bulaklak. "Para sa pinaka-magandang babae na nakilala ko," sabi nito ngunit nasa likuran pa rin niya ito. Tinanggap niya ang bulaklak at inamoy iyon. "Ang bango!" hindi niya napigilan na maibulalas.Nagtungo sa kaniyang harapan si ico at inilahad ang kamay sa kaniyang harapan. "Can I dance with you?" tanong nito. "Sure!" sagot niya. Kaagad niyang ibinaba ang pumpon ng bulaklak sa mesa at inabot ang kamay ng binata. Nagtungo sila sa gilid. Inilagay ng binata ang mga kamay sa kaniyang bewang samantala siya naman ay sa batok nito. Biglag pumailanlang ang malamyos na musika. Nagkatitigan sila ni Mico. Mas lalo itong gumwapo sa suot na polo shirt at slacks. "Ang guwapo mo ngayon," hindi niya npigilang sabihin. Ngumiti ito. "Ikaw rin naman. Ang ganda mo ngayon," puri nito. Nagtagal sila sa ganoong posisyon hanggang sa magtapat si Mico ng nararamdaman sa kaniya na kaagad naman niyang sinabi na parehas sila ng nararamdaman. pero sinabi ni MIco na liligawan siya nito tanda ng pagrespeto sa kaniya. Ipinagtapat at ipinakilala ni Ella si mIco sa kaniyang ama. Masaya ang kaniyang ama para sa kaniya at hindi hadlang sa kanilang pagmamahalan.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (96)
Jr Eric Palacionardem
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0
Sul Choie
I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
11/08
0ok 👌
02/08
0View All