logo text

Ang Misteryosong Doktor (Chapter 1)

“Hoy, Gigi! Bumangon ka na nga dyan. Tirik na tirik na ang araw, ohh. Naubusan ka na ng grasya. Palagi ka kasing tanghali nang gumigising, ehh,” sermon ng isang matandang babae.
Inaantok pa man ay tamad nang bumangon si Gigi mula sa kanyang pagkakahiga. Sanay na siya sa sermon ng kanyang Lola Saling. Matanda na ito at madalas nang makalimot. Pero isa lamang ang tanging naaalala nito, iyon ay ang wala siyang ambag sa buhay dahil sa edad niyang bente-siete ay wala pa rin siyang nararating sa buhay.
“Kung nagpaulan na siguro ang langit ng grasya, naubusan ka na. Ang bagal bagal mong kumilos,” dagdag pa nito. Bumuntong-hininga siya.
“Nakabangon na po, 'la. Tama na po ang panenermon at baka tumaas pa ang dugo niyo. Ang aga-aga eh highblood kayo,” pagrereklamo naman niya.
Dumiretso siya sa kusina pagkatapos niyang magligpit ng kanyang higaan. Nagtimpla siya ng kape at kumain ng dalawang pirasong pandesal na tira ng kanyang lola. Kailangan nilang magtipid dahil ang daming gastusin at baysrin lalo at siya lamang ang nagtratrabaho. Hindi kasi kalakihan ang sahod niya.
Nang makaligo ay mabilis na rin siyang umalis upang um-extra sa maliit na kainan ni Aling Mira na ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay. Tagasilbi siya roon at tagahugas na rin para kahit papaano ay may kita siya. Mamamatay sila sa gutom kung hindi siya magtratrabaho.
“Good morning, Gigi. Tinanghali tayo ngayon ah. Nasermonan ka na naman siguro ng Lola Saling mo,” ani ng ginang na kasalukuyan ng nagluluto ng putahe.
Tumango-tango naman siya. “Masanay na po kayo kay lola. Palagi naman po iyong ganoon sa 'kin.”
“Sige na. Maghugas ka na ng mga plato dahil mamaya ay magluluto ulit tayo ng pangalawang batch. Mahirap na at baka mabitin tayo sa pagkain. Kawawa naman ang mga costumer at sayang din ang benta kung mauubusan tayo ng pagkain,” utos ni Aling Mira.
Sinunod ni Gigi ang sinabi ng ginang at pumasok na nga sa loob. Tambak na hugasin ang sumalubong sa kanya nang makarating at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya magsimulang maghugas. Ilang minuto ang lumipas ng tawagin siya ni Aling Myrna.
“Gigi! Tapos ka na ba dyan? Palit na tayo. Dito ka na sa labas at magluluto na muli ako,” sigaw nito mula sa may labas.
“Malapit na po ito. Sandali lang po,” tugon naman niya.
Binilisan na nga niya ang kanyang paghuhugas para matapos na iyon. Pagkatapos ay lumabas na nga siya upang pumalit sa ginang sa may counter. Madami na ang mga kumakain na mga tao at karamihan doon ay mga trabahador sa malapit sa ginagawang subdivision. Siya ang taga-abot ng mga order ng mga ito at taga receive ng mga bayad. Hindi na siya magpapakahirap na ihatid ang mga pagkain sa mga costumer dahil may “Self Service” policy naman ang karinderya. Mabuti na lang at hindi nagrereklamo ang mga ito.
Isang maliit na papel sa gilid ng counter ang nahagip ng kanyang mga mata habang siya ay nagbibilang ng napagbentahan. Kinuha niya iyon at binasa ang nakasulat. Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang mabasang trabaho iyon.
“Ano iyang pinagkakaabalahan mo diyan, Gigi? Magtrabaho ka. Nakakahiya kay Mira,” anang boses na kilalang kilala na niya, walang iba kundi ang kaniyang Lola Saling.
Pinakita niya ang maliit na papel sa matandang nakatingala sa pwesto niya. “Isang papel po na nagsasabing naghahanap daw po ng stay-in na katulong sa mansion ng mga Juacinto.” Agad na kinuha iyon ng matanda at binasa.
"Maganda nga ang trabahong ito! Ano pa ang hinihintay mo diyan? Mag-apply ka na. Aba, ehh, matagal ko nang gustong makapasok sa mansion na iyon. Bata pa ako ay pinapangarap ko na isang araw makapasok ako roon,” nangangarap na sabi ni Lola Saling.
Tumango naman siya. “Opo, 'la. Doon po ako didiretso mamaya pagtapos ko po dito kay Aling Mira."
Ang mga Juacinto ay kilala sa kanilang baryo bilang pinakamayaman na pamilya doon. Alas-sinco na ng hapon nang matapos ang gawain niya sa karinderya ni Aling Mira. May papalit na sa kanya na papasok bilang pang-gabi kaya malaya na siyang makakaalis at makakapunta sa mansion ng mga Juacinto.
Habol ang hininga niya nang marating niya ang malaking gate ng mansion dahil sa layo nang kanyang nilakad. Nagtitipid kasi siya kaya hindi na siya umarkila pa ng tricycle. Pambili na rin ng pagkain ang ipang-aarkila niya. Inayos naman muna niya ang kanyang sarili bago siya pumindot sa doorbell. Hindi naman siya naghintay pa ng matagal dahil bumukas na rin kaagad ang gate.
"Wow! Ang ganda ng gate. Kusang bumubukas," manghang sabi niya.
Namamangha naman siyang pumasok sa loob habang pinagmamasdan ang paligid dahil sa ganda at lawak niyon. Kakaibang kaba rin naman ang bumalot sa kanyang puso dahil wala siyang makitang tao sa paligid bukod sa kanya.

Book Comment (96)

  • avatar
    Jr Eric Palacionardem

    Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko

    07/08/2023

      0
  • avatar
    Sul Choie

    I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam

    11/08

      0
  • avatar
    Nathan Cleo Betito

    ok 👌

    02/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters