logo text

Ang Misteryosong Doktor (Chapter 2)

"Napakamisteryo naman ng bahay na ito," hindi niya napigilang komento.
Buong tapang siyang kumatok sa malaking double wooden door. Bumukas din ito kaagad ngunit wala naman siyang nakitang tao sa loob at nang humakbang siya papasok ay kusa namang nagsarado ang pintuan na ikinasigaw niya.
“H-Hello? Tao po,” nauutal niyang saad. Kumakabog ng malakas ang kaniyang dibdib.
Ngunit wala siyang natanggap na kahit na anong sagot. May tao ba kaya rito o wala? Pinagmasdan naman niya ang paligid at nahagip ng kanyang paningin ang isang maliit na papel na nakadikit sa may pader. Nilapitan niya iyon at binasa.
“Go to the living room, a few meters away from the door in the left,” basa niya sa nakasulat doon.
Naguguluhan man ay nagpunta nga siya sa salas. Natigilan naman siya nang may makitang lalaki na nakatayo. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita kung ano ang itsura nito. Pero base sa tikas at pananamit nito ay alam na niya kaagad na may pinag-aralan at well-mannered ito. Maganda ang pangangatawan nito na tiyak na batak sa ehersisyo. Guwapo kaya ito? Hindi niya napigilan na itanong sa sarili.
“H-Hello po. Nakita ko po ang papel na ito sa karinderya ni Aling Myra. Nandito po ako upang mag-apply bilang all around maid. Hired na po ba ako?” lakas loob niyang sabi. Hindi pa rin nawawala ang malakas na kabog ng kaniyang dibdib. Ano kaya ang mangyayari kung tatanggapin siya nito? Lalo at mukhang sila lang dalawa ang narito sa mansiyon.
“Yes. You're hired. Bilang pagsisimula at makita ko ang kakayahan mo, pumunta ka sa kusina na nasa kanang bahagi ng mansion. Ipagluto mo ako ng hapunan,” maawtoridad nitong utos.
Napakunot naman ang noo niya. Ano naman kayang luto ang puwede niyang iluto? “Ano pong lulutuin ko? May allergy po ba kayo sa kahit na anong pagkain? Para po maiwasan kong lutuin.” tanong niya.
“Kahit ano basta masarap. Hindi ako maselan sa pagkain basta walang lason,” matigas naman nitong sabi.
Napangiwi naman siya dahil sa sinabi nito. Ano naman ang mapapala niya kung lasunin niya ito? Hindi na lang siya nagkomento at sinunod na lamang niya ang ipinag-uutos nito at nagpunta na sa kusina upang magluto. Siguro ay isa iyong paraan upang masubukan kung kaya ba niyang magluto. Agad niyang ipinaghanda ang ginoo ng masarap na pagkain.Biglang sumagi sa isip niya na hindi man lang ito humarap sa kaniya. Hindi man lang niya nakita ang mukha nito.
"Bakit ayaw ipakita ang mukha niya? Pangit ba siya? Malaki ba ang bibig niya?" hindi niya napigilang itanong sa sarili. Napangiwi siya.
"Pangit? Parang hindi naman ito pangit, eh.
Umiling na lang siya at iwinaksi ang mga iyon sa kaniyang isipan.
"Ang mahalaga may trabaho ako at hindi niya ako gagawan ng masama. Ayos na sa 'kin iyon. Wala akong pakielam kung ayaw niyang magpakita," nakasimangot niyang sabi at ipinagpatuloy na ang ginagawa.
Mabilis lamang siyang natapos sa paghahanda ng pagkain ng boss niya dahil kumpleto ang lahat ng mga sangkap at high tech din ang mga gamit nito na tingin niya ay hindi biro ang halaga. Apat na putahe ang ginawa niya na may mga sapat na dami lamang para sa isang tao dahil ayaw niya na masayang ang pagkain kapag hindi iyon naubos at baka mapagalitan pa siya. Hindi rin naman niya alam kung isasali ba niya ang sarili sa lulutuin. Pinuntahan niya ang ginoo sa may sala upang ipaalam na luto na ang hapunan at natagpuan niya ito sa ganoong pwesto na naman. Nakatalikod sa kaniya ngunit ngayon ay nakaupo na sa sofa at mukhang malalim ang iniisip.
“Nakahanda na po ang iyong hapunan. Maaari na po kayong kumain,” magalang niyang sambit.
“Ngayon ang gawin mo naman ay libutin mo ang buong mansion at imemorize ang lahat ng pasikot-sikot dito maliban na lang sa opisina at silid ko na nasa may west wing sa itaas. Huwag kang pupunta roon,” matigas nitong utos.
“O-Okay po,” tugon niya. Nakaka-intimidate ang boses nito. Pakiramdam niya ang guwapo ito. Ngunit hindi niya iyon malalaman hangga't hindi nito ipinapakita ang mukha sa kaniya.
Akala niya ay makikita na niya ang mukha ng lalaki ngunit talaga yatang umiiwas ito sa kaya wala na siyang ibang magagawa kundi ang sundin sa ipinag-u-utos nito. Umakyat siya sa hagdan papunta sa pangalawang palapag ng bahay at nilibot iyon. Iniwasan din niya ang sinabi nito na huwag niyang puntahan at matapos ang kalahating oras na paglilibot ay bumaba na siya.
Wala na sa sala ang lalaki kaya sa kusina na siya nagtungo. Nakita naman niya ito na nakatayo at nakaharap sa may bintana dahilan kung bakit hindi na naman niya makita nag mukha nito. Bakit ba ayaw nitong magpakita sa kaniya?
“Tapos na po ako sa ipinapagawa ninyo, sir,” pagbibigay-alam niya.
“Nagustuhan ko ang luto mo. Pasado ka at puwede ka ng maging katulong ko,” puri nito sa niluto niya. Nakaramdam siya saya dahil sa papuri nito.
“Salamat po sa papuri.”
“Iyong pangatlong kwarto na nasa may east wing ang magiging silid mo. Pwede kang umuwi ng sabado ng umaga at babalik ng linggo ng hapon. Every end of the month ang sahod mo at maaari ka ng magsimula bukas,” mahabang litanya nito.
“Salamat po! Napakalaking tulong po nito para po sa amin ng lola ko. Kapos po kasi kami sa budget at kailangan na kailangan ko po ng trabaho. Salamat po ulit,” masaya niyang sabi.
Hindi naman na sumagot pa ang lalaki at sumenyas na lamang sa kanya na umalis na siya at may malapad na ngiti na nakapaskil sa kaniyang labi ng lumabas ng mansiyon. Masaya siya dahil may trabaho na siya. Malapad ang kanyang ngiti nang siya ay umuwi sa kanilang munting bahay at kahit sinalubong na siya ng kanyang lola na nakasimangot ay hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.
“Lola, natanggap po ako! May trabaho na po ako!” masiglang pagbabalita niya.
“Aba dapat lang para magkaroon ka man lang ng silbi dito sa bahay,” masungit na sabi ng matanda.
Napatawa naman siya. “Si Rosa na lang po muna ang makakasama niyo dito sa bahay. Papakiusapan ko po siya na siya muna ang magbantay sa inyo. Tuwing sabado at linggo po ang uwi ko dito kaya h’wag kayong mag-papasaway kay Rosa, ahh.” pang-aasar niya sa kaniyang lola.
Ayos lang naman kay Aling Myrna na bantayan ni Rosa ang kaniyang lola dahil magaan na rin ang loob ng ginang sa matanda. Hindi man sila magkadugo ay parang pamilya na rin ang turing nito sa kanila.
“Kailan ba ako naging pasaway? Ikaw kaya itong nagpapasakit ng ulo ko araw-araw. Makapagbilin ka dyan, akala mo naman may nagawa kang mabuti sa akin,” mataray nitong sambit.
“Asus, si lola. Alam ko naman na mahal na mahal nyo ako. Hayaan niyo kapag sumahod ako, ibibili ko kayo ng paborito niyong litsong manok. Maraming litsong manok!” pang-aasar niya pa rin.
Hindi naman na siya pinansin ng matanda ngunit alam naman niya na kabaliktaran lahat ng mga binibitawang salita nito ang gusto nitong sabihin pero ramdam niya ang pagmamahal nito sa kaniya. Naiintindihan niya ang kanyang lola dahil epekto na iyon ng pagtanda at pagkamalilimutin nito kaya wala nalang sa kanya ang mga ganoong mga salita. Nasanay na rin kasi siya.

Book Comment (96)

  • avatar
    Jr Eric Palacionardem

    Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko

    07/08/2023

      0
  • avatar
    Sul Choie

    I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam

    11/08

      0
  • avatar
    Nathan Cleo Betito

    ok 👌

    02/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters