Maaga siyang nagising kinabukasan upang pumasok sa unang araw bilang katulong sa mansiyon ng Juacinto. Excited siya sa totoo lang. Higit sa lahat, curious siya sa itsura ng kaniyang amo. Pinag-almusal muna siya ng lola niya bago siya nito pinasakay sa tricycle ng kapitbahay upang ipahatid sa kanyang destinasyon. Pasado alas-siete na ng umaga nang marating niya ang mansiyon at katulad ng unang pagdating niya ay isang sulat lamang ang nakita niya bilang pagsalubong sa pagdating niya. "Hay nako. Pa-mysterious naman si sir. Masipag magsulat si sir," bulong niya sa sarili at napatawa ng mahina. Mahirap na at baka marinig siya ng amo niya. Sobrang tahimik pa man din ng kabahayan. Nagtungo na siya sa kusina at nagluto siya ng almusal katulad ng nakasulat sa papel. Pagkatapos ay umakyat siya sa magiging silid niya upang ayusin ang kanyang mga gamit. Pagbaba naman niya ulit ay tapos nang kumain ang ginoo at wala na ito doon at isa na namang sulat ang nakita niya sa may lamesa. Napasimangot siya. Pero infairness, maganda ang sulat ng boss niya. "Ano na naman kaya ito?" nakasimangot niyang sabi. Binasa niya ang nakasulat sa papel. “May dadating na bisita mamayang tanghali upang ipilit ang pagbebenta ng mansion. Gawin mo ang lahat upang mahindian sila. Dagdag trabaho mo iyan at madaragdagan din ang sahod mo sa katapusan,” basa niya sa nakasulat sa papel. Napakunot naman ang noo niya ngunit wala naman na siyang ibang magagawa pa kung hindi ang sumunod dahil iyon daw ang trabaho niya at kung bakit may gustong bumili sa mansion. Nagkibit-balikat siya. "Okay na iyon. At least, dagdag sahod. Sayang rin iyon. Kailangan ko na praktisin ang mga sasabihin ko," pagpapalakas loob niya sa sarili. Bumalik na siya sa ginagawa habang nag-iisip ng puwedeng sabihin para sa mga darating na bisita mamaya. Alas-dos ng hapon ng may nag-doorbell. Mabilis naman na nagpunta si Gigi sa may gate para buksan iyon. Nang makalabas, nakita niya ang isang matabang lalaki na may bitbit na suitcase. “Magandang hapon po. Tuloy po kayo,” aniya ng makalapit siya habang binubuksan ang gate. Seryuso lamang ang lalaki at hindi man lang nag-aalangan ngumiti. Sinamahan niya ang lalaki sa sala at kapwa sila naupo sa magkatapat na sofa. Binuksan naman kaagad ng bisita ang bitbit nitong suitcase at saka naglabas ng papel at ballpen. “Ito ang kasulatan tungkol sa pagbebenta ng mansion. Mula pa ito sa aking abogado kaya naman, masisigurado kong tunay ang mga dokumentong ito,” anas nito. “Pasensya na po, sir, pero hindi po pumayag ang aking amo sa bagay na iyan. Ang bilin nya po sa akin ay h’wag ko daw pong tanggapin. Hindi daw po niya ipagbibili ang mansion,” tugon naman niya. Hindi siya papayag na ito ang maging dahilan para mawalan siya ng trabaho. Kailangan na kailangan niya ang trabaho. Kumunot ang noo nito. “Maaari ko ba siyang makausap ng personal? Kahit minsan ay hindi pa niya ako hinarap,” angil naman ng matabang lalaki. Umiling naman siya. “Nako, sir. Ikinalulungkot ko po pero hindi po mangyayari iyan. Napaka-busy pong tao ni sir kaya po, hindi nyo po siya makakausap o maakikita ng personal.” Base sa nakikita niyang reaksyon ng lalaki ay hindi na ito natutuwa. Pero wala naman itong ginawang mali bagkus ay tumayo na ito at nagkusa nang umalis. Naiwan naman siya doon sa may pintuan na nakatayo at nagtataka. “He is one of my relatives,” boses na mula sa may likuran niya. Mabilis naman siyang lumingon sa may likuran upang makita ang itsura ng lalaki ngunit nakasandal ito sa may gilid ng pader ng patalikod sa kanya. Nakayuko pa ito at nakapamulsa.Ayaw talaga nito magpakita. Masasanay rin naman siguro siya. Basta ang dapat niyang intindihin ngayon ay ang trabaho niya rito sa mansion. “Bakit po nila gustong bilhin ang mansion?” tanong niya. “Naniniwala sila na may naiwang kayamanan ang mga magulang at grandparents ko dito. Nasa isang secret room daw iyon at gusto nilang mahanap iyon para sa kayaman,” tugon ng lalaki. “S-Sandali lang po. Kayamanan? Pero totoo naman po ba iyon?” gulat niyang tanong. Tumango at dahan-dahan na lumingon sa kanya ang binata na ikinagulat niya. “Totoo. Oo nga pala. Kung pwede lang sana ay h’wag ka nang gumamit ng po at opo sa akin. Tatlong taon lamang ang tanda ko sayo.” Pakiramdam niya ay huminto sa pagtibok ang puso niya dahil sa kagwapuhang taglay ng lalaki. Para itong isang bidang actor sa mga pelikula dahil sa kakisigan na mayroon ito. Hindi niya akalain na higit pa sa inaakala niya ang itsura nito. Tumango-tango naman siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. “A-Anong pangalan mo?” tanong niya. Mabuti na lang lumabas pa iyon sa bibig niya. “Columbus Juacinto or should I say, Doctor CJ,” tugon nito. Mas nagulat pa siya dahil sa narinig. Kilala niya si Dr. CJ. Nailalagay ang pangalan nito sa mga magazine. Si Dr.CJ ay ang sikat na doctor dahil sa naging ambag nito sa medisina at kilala rin sa pagiging henyo. Ito ang bumuo ng gamot na ginagamit ng mga cosmetic companies para sa mga anti-aging products ng mga ito. Sa madaling salita, isa siya sa pinakamayamang tao sa bansa. Hindi niya akalain na makikita niya. “I-Ikaw iyong sikat na misteryosong doctor?” gulat na tanong niya.Misteryuso ito. Ayaw ipakita ang mukha sa madla. Iilan lamang ang nakakaalam sa itsura nito. Marahil mga kakilala o kamag-anak na mapagkakatiwalaan. Tumango naman ang lalaki. “Ako nga.” “Bakit hindi ka nagpapakita sa madla? Sa tagal mo na sa industriya at sa tindi ng kasikatan mo, wala pang nakakakita sayo,” nagtataka niyang sabi. Ano kaya ang dahilan bakit ayaw nitong magpakita? “Hindi ako makatagal sa gitna ng madaming tao. I have social anxiety disorder,” anas nito sabay talikod at akyat na ng hagdan pataas. Napamaang naman siya sa mga sinabi nito. Hindi niya alam na may sakit pala itong ganoon. At kahit hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo ay may kaunting nalalaman pa rin naman siya tungkol sa mga bagay-bagay. Ang social anxiety disorder ay ang phobia o takot na mahusgahan ng ibang tao. Ang takot sa pakiramdam na may nakatingin at nanonood sa lahat ng galaw nito. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit umiiwas sa kanya ang lalaki. Akala niya ay magiging mahirap ang kanyang pagtatrabaho sa mansion dahil sa antas ng pamumuhay ng mga ito. Pero dumaan ang isang linggo at siya na mismo ang gusto nang sumuko dahil sa pagkabagot at hindi dahil sa hirap. Wala man lamang siyang ibang magawa pagkatapos magwalis, magluto, at maglinis. Nakaupo na lamang siya sa may sala at naghihintay ng oras. Minsan nanonood rin siya ng telebisyon. Ngunit hindi iyon sapat. Iba pa rin kapag may nakakausap ka. “Lola, ano po kaya kung sumama kayo sa akin doon? Mas masaya po kapag maingay, ehh. Nakakamiss din po pala ang sermon nyo,” pagbibiro niya sa kanyang lola na matiyagang nag-aabang ng tricycle para sa kanya. “Ano ka ba namang bata ka? Kung malakas pa ako ay ako na lang sana ang nagtrabaho doon,” saad naman ni Lola Saling.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (96)
Jr Eric Palacionardem
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0
Sul Choie
I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko
07/08/2023
0I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam
11/08
0ok 👌
02/08
0View All