logo text

Ang Misteryosong Doktor (Chapter 4)

Napatawa na lamang siya at mabilis na nagpaalam sa matanda nang may tumigil nang tricycle sa tapat ng kanilang bahay. Sumakay na siya doon at kumaway na lamang dito bilang pamamaalam. Mabuti na lang at wala siyang pasok kapag sabado at linggo.
Linggo ng hapon siya bumalik sa mansion ng mga Juacinto at sa pagkakataon na ito ay bitbit niya ang kanyang plano. Operation bring Columbus out of his shell. Tutulungan niyang malabanan ng amo niya ang takot sito sa pakikipag-socialize.
“Magandang hapon, Sir Columbus!” sigaw niya nang makapsok siya ng mansion.
Hindi siya sinalubong nito ngunit alam naman niya na narinig ng lalaki ang pagbati niya. Dumiretso siya sa kanyang silid upang ayusin ang kanyang mga gamit at pagkatapos ay nagpunta siya sa opisina ng binata. Hindi siya tumigil sa pagkatok sa pinto hanggat hindi siya pinagbubuksan nito. Galit na mukha nito ang bumungad sa kaniya ng buksan nito ang pinto.
“What? Hindi ba sinabi ko sayo na bawal ka dito?” galit na anas ng lalaki.
Pero hindi siya sumagot bagkus ay hinawakan niya ang kamay nito at hinila ito pababa sa kusina. Pinaupo niya ito sa high chair sa may countertop at mabilis naman siyang umikot papunta sa kabilang parte nito upang i-paghanda ito ng refreshment drink. Nakaawang ang labi nito na nakatitig sa kaniya.
"Anong ginagawa mo?" kunot-noo nitong tanong.
"Gusto lang kita i-paghanda ng drinks, sir," nakangiti niyang sabi.
"Para saan?" naguguluhan nitong tanong. Huminga siya ng malalim.
"Subukan po ninyo na makisama sa 'kin sir. Kahit ako muna para mawala iyang social anxiety ninyo po," tugon niya at binigyan ito ng masuyong ngiti
Tinitigan lamang siya nito. Bigla siyang nailang sa ginawa nito kaya naman tumalikod na siya at gumawa ng refreshment drinks.
Araw-araw ay ganoon ang ginagawa niya. Kinukulit niya ang lalaki upang idamay ito sa kahit anong kalokohan na maisip niya. Minsan ay lumalabas sila sa may bakuran upang magpa-araw at kumain ng ice cream, minsan ay basta na lang niya itutulak sa pool ang binata at madalas niya itong ginagambala sa tuwing nagkukulong ito sa kwarto o opisina nito. Hindi siya tumigil hanggang sa maging komportable na ito sa kanya.
“So, sasamahan mo akong mamalengke mamaya, ahh, Columbus,” aniya. Sinabi kasi ng binata na tawagin niya ito sa pangalan nito. Nagustuhan niya iyon dahil talagang komportable na ito sa kaniya.
Marahas naman na napailing ang binata. “Hindi. Ayoko.”
“Walang ayaw-ayaw sa akin. Sasamahan mo ako upang matapos na iyang takot mo. Sayang naman ang ganda ng pamumuhay mo at takbo ng mundo kung hindi ka lalabas dito,” pagpipilit niya rito. Alam niyang hindi maganda na inuutos-utusan niya ito pero ito lang ang tanging paraan na alam niya para matulungan ito. Bata pa ito at madami pang magagawa sa buhay kung lalabas ito sa comfort zone nito.
Hindi niya narinig na sumagot ang lalaki ngunit talagang desidido na siya na isama ito mamaya sa pamimili. Sumapit ang oras ng paghahanda niya para sa pagpunta sa palengke at natutuwa siya dahil napilit niya ang binata na samahan siya. Alas-sinco sila ng hapon lumabas ng mansion at tahimik lamang ang lalaki na naglalakad habang hawak niya ang kamay nito. Napakagat-labi siya dahil napaka-lambot ng kamay nito. Ang sarap sana pisil-pisilin pero hindi naman niya puwedeng gawin iyon. Nakasuot ito ng hoody jacket na itim at nakayuko lang na naglalakad.
“H’wag kang matakot. H’wag mong isipin ang mga iisipin at sasabihin nila. Basta ako, never kitang huhusgahan at palaging maniniwala sa kakayahan mo. If ayaw mong tumingin sa kanila then, sakin ka na lang tumingin. Pero ngayon pa lang sasabihin ko sayo na hindi ako kagandahan, ahh,” pagbibiro niya.Tumawa ito na ikinatigil niya. Tumawa ito! Improvement iyon para sa kaniya.
“You are beautiful,” bulong namang ng binata na mas nagpatigil sa kanya.
Nilingon niya ito tsaka ito tiningnan ngunit nakatakip sa mukha nito ang hood ng jacket at nakayuko pa kaya, hindi niya makita ang mukha at itsura nito. Napahinga siya ng malalim saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ng lalaki upang itaas ang mukha nito at tanggalin ang suot na hood.
"Kailangan mong lumabas sa comfort zone mo," matigas niyang sabi.
Panic kaagad ang nakita niya sa mga mata nito nang masilayan nito ang kanilang kapaligiran. Nagsisimula na ring bumilis ang paghinga nito dahilan kung bakit nawala sa kanya ang atensyon nito. Hinawakan naman nya ulit ang pisngi nito upang iharap sa kanya ang mukha nito.
“Columbus Juacinto. Wala kang dapat na ikatakot. Ikaw ang pinakamatagumpay na tao na nakilala ko at walang sinoman ang maaaring humusga at manakit sayo. Tatlumpung taon ka na, panahon na para lumabas ka sa nakagawian mo upang ipakita sa mundo kung gaano ka kagaling. Sayang ang kagwapuhan mo kung itatago mo lang,” sabi niya at ngumiti.
Gulat naman na nakatitig sa kanya ang lalaki samantalang isang matamis na ngiti naman ang sinukli niya dito. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang binaba ang kanyang mga kamay mula sa pisngi nito.

Book Comment (96)

  • avatar
    Jr Eric Palacionardem

    Magtulong sa kapwa tao lalo na pag kinakailangan ang isang bagay ng tao at sa paghingi-ng tulong pag naubusan nang gasolina at nawalan ng hangin ang gulong at nawalang ng risk ang gulong kailangan pumunta sa hardware para bombahan ang kanyang sasakyan at para magasulinahan na ang kotse at para sa hindi na nang gagambala ng tao para matulungan pa ang mga nasira ang mga sasakyan at nawalan ng gasolina ang mga sasakyan tulad ng kotse motor tricyle at iba pang sasakyan na merong gasolina like barko

    07/08/2023

      0
  • avatar
    Sul Choie

    I love you the compilation of the shot 4 because she is not a joker and not katarantaduwan kaya nga gustong gusto korin sya basahin sa tuwing Gabi at akoy nalulungkot ay binabasa koya sapagkat ay pag binabasa koyan ay gumaganda Ang aking pakiramdam

    11/08

      0
  • avatar
    Nathan Cleo Betito

    ok 👌

    02/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters