Chapter 11

An announcement huh? Ano naman kaya ito? I looked at Castriel at nakakunot-noo din ito tulad ko. Si Ms. Iona naman ay diretsong nakatingin lang sa harapan.
Maya-maya lang ay bumaba na ang hari kasama ang reyna. All of us bowed our head as they walk down the stairs until they reached their throne. "You may rise," agad naman kaming umayos ng pagkakatayo at humarap sa kanila.
"I know you're all wondering why we called you too early than the usual time," the king started. "As all of you know we have someone new here in the palace," he then laid his eyes on me. Yumuko ako dahil sa tingin ng ibang kasama.
"Ms. Mary will be the personal assistant of the prince starting today," saad naman ng reyna at nakangiting tinignan ako. Ngumiti namam ako pabalik. "I'm hoping that all of you will be good to her and help her to cope up with some things she's unfamiliar with."
Napatingin ako sa kamay na pumatong sa balikat ko. I saw Ms. Iona smiling widely at me while tapping my shoulder. For some reasons I feel safe and sure.
"Now, let us all get ready for another day. Do your best my people and be always kind," the king muttered.
I found myself in the kitchen helping the cooks. The royals and I had a small talk a minute after the announcement and they said that I'll meet the prince later this day. Nakaramdam ako ng kaunting kaba ngunit ipinasawalang-bahala ko ito.
"Lady Mary maaari bang iabot mo ang dahon ng laurel?" Rinig kong saad ni Lady Lizzie. The main cook in the palace.
"Oo naman, sandali lang," sagot ko dito at kinuha ang lagayan ng dahon ng laurel na nasa tabi ko at iniabot sa kanya.
"Salamat!" Anito at seryosong bumalik sa pagluluto. Amoy na Amoy ko ang sarap ng niluluto nito. Nakakagutom.
Castriel on the other hand went to the village dahil kailangan niyang tulungan si Mr. Chris. Ayaw pa sana nitong umalis ngunit pinilit ko siya. Hindi niya naman kasi ako kailangang bantayan dahil ako lang ang nagtatrabaho rito sa palasyo. Babalik din naman daw siya mamaya para bumisita.
"Lady Mary!" Napantig ang tenga ko sa sumigaw.
"Lady Iona, may problema ba?" Tanong ko dito nang makitang hinahabol nito ang paghinga.
"Wala naman," kumamot ito sa kanyang batok.
"It's just I forgot to show you your room," oh right.
"Halika muna. Dadalhin kita sa kwarto mo," kinuha ko naman ang mga dala ko na nakalagay sa isang upuan at nagpaalam kay Lady Lizzie.
"So, since you're the prince's personal assistant, your room will be close to his," natigilan ako sandali sa sinabi nito.
"How about you Lady Iona?" I can't help but to ask.
"What do you mean me?" She asked me back.
"Saan ang kwarto mo?"
She chuckled. "My room is downstairs. Katabi ng maiden's quarter."
Hindi na ako nagtanong pa at sumunod nalang sa kanya. Nang mapansin kong nasa ikalawang palapag na kami ng palasyo ay muli akong namangha.
"Here we are," she uttered. "Your room will be the guest room. Your room is the closest to the prince's."
Binuksan nito ang pinto at pumasok. "Well, what are you waiting for? Come in!" She looks so excited.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay agad akong napakurap. "A-ang ganda," I whispered.
"Mabuti at nagustuhan mo. Ako ang nagdisenyo nito kaya medyo kinabahan ako at baka hindi mo magustuhan," mukhang nahimasmasan naman siya dahil nagustuhan ko ang silid.
Sa totoo lang, mas malaki pa ito sa kwarto ko sa bahay. Hindi lang doble kung hindi triple. Makaluma ang mga disenyo at lahat ay yari sa kahoy. It looks so cozy too.
"Hahayaan na muna kitang makapaghanda. Narito ang susi." Inilagay niya sa palad ko ang susi. "May mga damit na nakahanda na sa kabinet. Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong," she gave me a thumbs up before leaving.
I stared at the door for a while at nang makabawi ay inayos ko na ang mga kagamitang dala. Inilabas ko mga damit na dala at nilapag sa higaan.
Agad akong naglakad papunta sa kabinet at binuksan ito. "Oh wow!" Namangha ako sa laman nito. Naggagandahang mga damit na kung titignan ay hindi ordinaryo para isuot ng isang nagtatrabaho sa kaharian.
"Magaganda nga ang mga damit," saad ko at nagbuntong-hininga. "Ako naman ang pangit. Awit!" napailing nalang ako sa sariling sinabi.
Nang maayos ang mga gamit, nahiga ako agad sa kama. "Ang lambot," saad ko at nagpagulong-gulong. Habang nakatingala sa kisame ay hindi ko mapigilang isipin ang mga nangyari nitong nakaraang araw. Napakabilis at tila panaginip lang ang lahat.
"Ano na kayang gagawin ko ngayon?" Mahinang tanong ko sa sarili. "Ano nga ba ang trabaho ng tagapagsilbi sa prinsipe?"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang may marinig na bulungan. Dali-dali akong tumayo at sinundan kung saan ito nagmumula. I saw a huge bookshelf full of different kinds of books. From the looks of it kakalinis lang nito. I traced one of its corners and it moved.
"No way," halos mawalan ako ng hininga sa nadiskubre. It's a secret doorway! This is way cooler than I thought.
I slowly walked all the way to the other side at hindi ko na namalayang dinala na ako ng mga paa ko sa parte ng kwarto na tila isang pahingahan. There were dried flowers hanging on the ceiling, long sofa and a table made of wood.
Ilang sandali pa ay may napansin akong isang painting. It's a portrait of a guy. I'm guessing he's a part of a royal family. His fancy clothing tells it. But, his face–––it's blurred. Halatang binura ang pagkakaguhit nito.
Sa kabilang dako naman ng kwarto ay may nakita akong kandila. The wax coming from the top slowly dripples down on its body, that only means someone was here.
Napantig ang tenga ko nang may marinig na tunog. I immediately went out of the secret room and went back to my room, then I saw the bell from my room, it was ringing. Nagmadali akong bumaba at saktong nakasalubong ko si Lady Iona.
"Thank God you're here," panimula nito. "I was on my way to get you."
"What's with the rush?" Tanong ko nang mapansing medyo hinihingal ito.
Huminga siya ng malalim at diretsong tumingin sa akin. 
Sa hindi inaasahang pagkakataon, kumalabog ang dibdib ko at tila nawala ako sa huwisyo.
"It's time for you to meet the prince."

Book Comment (53)

  • avatar
    Atled Coy's

    ❤️❤️

    20d

      0
  • avatar
    Cauane Silva

    😍😍

    26d

      0
  • avatar
    NajwaaAmna

    goodddddd

    29/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters