Chapter 9

Ramdam ko ang bigat sa pakiramdam nang walang nagsalita sa amin. Well, this is awkward.
Di kalaunan ay tumikhim ang hari. "Lady Mary," saad ng hari at tinignan akong mabuti. "We will give you some time to pack your things. You will be living here in this castle starting tomorrow morning," tumango naman ako. This is it, I guess.
"There will only be one work for you, Lady Mary," saad ng reyna at ngumiti ito. Ramdam kong medyo kinabahan ako sa sinabi nito ngunit hindi ako nagpahalata. "Serve the prince, take care of him," nakita kong umamo ang mukha ng reyna ngunit hindi maitatagong may lungkot ang mga mata nito. 
"We will not forbid you for going outside if you'd just ask permission. So if ever you miss your friends, you can just call out to us," the look in the king's eyes is different. Why are they so kind? I feel like I'm just talking to normal people.
"Thank you, your majesties. It's very kind of you," I muttered.
Pagkatapos ng usapan ay sumama muna ako pauwi kay Cas, dahil nauna nang umuwi si Clara. 
"Hey, you okay?" Napatingin ako kay Cas nang magsalita ito.
Tumango ako. "Yeah, pagod lang siguro." 
"You sure? Cause base on how it looks like, you still haven't snapped out of it," sa totoo lang ay tama siya. Hindi pa din ako makapaniwalang sa kastilyo na ako titira simula bukas. Isn't it too fast?
"Guess I'm right," he chuckled and took a sip of his coffee. 
"You were chosen for a reason," saad nito na ikinatigil ko.
"It'll be a bit strange at first but you'll get used to it," I met his gaze. "And besides, we will visit you."
Malapad akong ngumiti. "Thank you Cas. I can never wish for another you."
Natigilan ito ng ilang minuto bagong ngumiti. "I'll sleep here tonight then, ako na ang maghahatid sayo bukas. I'll wake you up too," natatawa naman akong tumango. Gladly my house has two rooms.
"So ano? Let's call it a day? Maaga ka pa bukas, you should sleep already. Ang hirap mo pa naman gisingin," sinamaan ko siya ng tingin at ang walang hiya'y tinawanan lang ako at tumakbo patungo sa kabilang kwarto.
Thank God I have Castriel and Clara with me always. 
Nagising ako nang makarinig ng kalabog. What is happening?! Agad akong bumaba sa kama at binuksan pinto. Muntik ko nang masapul sa ulo si Cas nang makita ko ito. 
"I told you so. Ang hirap mong gisingin. Girl, I've been banging this pot for about an hour ago," bulyaw nito sa akin. "And yet, you woke up just now," may hawak-hawak itong kaldero at patpat na tila ginagawang tambol. 
I looked outside the window and it's still dark. Just when did he started waking me up?
Ngunit bago pa man ako makapagsalit ay hinila na ako nito papuntang banyo. "Wash your self, then come to the kitchen," anito. "Breakfast is all ready," then he went back to the kitchen.
I think he really is early today. "Ang lalaking iyon talaga." Saad ko at mahinang natawa.
Pagkatapos kong maligo ay hinanap ko kaagad ang mga tuwalya at itinapis ang isa katawan at ang isa naman ay sa ulo. Lumabas ako ng banyo at naglakad patungong kusina. 
"Bilisan mo na diya–––Mariaaaaa!"
Natakpan ko ang tenga ko nang sumigaw ito. 
"Yung bunganga mo Castriel!" Sigaw ko sa kanya. 
"The hell are you wearing?! Magbihis ka muna! Anong akala mo sa'kin babae?! Tiradurin kaya kita?!" Doon ko lang napagtantong, nakatapis pala ako!
Dali-dali naman akong tumakbo papasok ng kwarto ko habang si Castriel naman ay nakapikit at nakaharap sa hapagkainan. "Jusko naman oh, ang aga aga!" Nasampal ko ang noo dahil sa kahihiyan.
Masama akong tinignan ni Castriel nang naupo ako sa hapag. "Hehehe." 
"Bilisan mo na diyan, you're going to be late," saad nito at tumango naman ako. 
I can't help but to finish all the food he cooked because it's just so good! Mapapa-ahh ka sa sarap!
"All done?" He asked coming out from the living room. 
"Yeah, I'm all ready to go," I said and smiled.
Castriel also helped me packed my stuffs. And now, we're on his horse, Kade, ready to go.
I took a final glance at my house. I'll miss this place even though I'm only out for few months. Kasabay ng bilis ng takbo ni Kade ay siya ring pagkabog ng dibdib ko. 
A new place is waiting for me, and I hope I can somehow call it home. This is a start of something new. 
We rode across the village and all I can say is we seem like a head turner. 
"Hold on tight!" Pagkasabi no'n ni Cas ay mas humigpit ang hawak ko sa kanyang bewang.
Inangat ko ang tingin and there I saw the castle. 'This is it' I whispered to myself.

Book Comment (53)

  • avatar
    Atled Coy's

    ❤️❤️

    20d

      0
  • avatar
    Cauane Silva

    😍😍

    26d

      0
  • avatar
    NajwaaAmna

    goodddddd

    29/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters