Homepage/Her Patient Heart/
Her Patient Heart: 32
Chapter 32
Araw na ng lunes ngayon at kinakabahan pa rin ako para bukas. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil makakasama ko si Sorren? Hindi ko alam.
Naigulo ko ang buhok dahil sa naisip at tumutok sa harap ng screen ng computer ko. Kanina pa lumilipad ang utak ko, mabuti na lang at wala ngayon si Sorren dahil kung hindi baka lutang lang ako habang kausap sya.
"Diem, bring us coffee," seryosong wika ni Sir Sorren habang nakalingkis sa braso niya si Ms. Ezra.
"Good morning, Ms. Ezra, Sir Sorren," malumanay kong saad . Tumalikod na sila sa akin at dumiretso sa opisina ni Sir Sorren.
"Heto na po ang kape mo, Ms. Ezra," wika ko pagkalapag ng tasa sa harap nito. Ngumiti lang ito ng tipid at napatingin sa tasang nilagay ko sa harap ni Sorren.
"So how's your preparation for tomorrow's party?" Pagbubukas ng topic ni Ms. Ezra kaya sandali akong natigilan at tumayo sa right side ni Sir Sorren."Hello! I'm talking to you." Turo nito sa akin kaya napataas ang dalawa kong kilay sa pagkabigla. Sandaling bumilis ang tibok ng dibdib ko dahil sa tanong niya pero inagaw naman ni Sir Sorren ang atensyon.
"I aready bought her a dress and a pair of shoes that she will be using for tomorrow's event," litanya ni Sir Sorren.
"Oh, that's good," tatango-tango nitong wika habang nag sip sa kanyang kape.
"How about you, Ezra? I thought you will be attending your friend's party?" Tanong ni Sir Sorren na ikinatango naman ni Ms. Ezra.
"Yeah, I will," tatango-tango nitong wika.
"Do you want me to accompany you there?" Tanong ni Sir.
"No. I can handle myself. Isa pa you have to accompany her," turo sa akin ni Ms. Ezra kaya naman agad akong napayuko dahil sa hiyang dala-dala ko ngayon.
"Oh, right," wika ni Sir Sorren.
"By the way, the wedding dress was so beautiful! Sinukat ko iyon kahapon and it looks stunning! I really love it!" Tili ni Ms. Ezra na ikinangiti naman ni Sir Sorren.
"I'm happy that you loved it," nakangiti pa rin niyang tugon.
"Thank you, Diem," wika ni Ms. Ezra kaya nginitian ko siya.
***
Dali! Dalian mo na kasi, Diem! Baka malate tayo!" wika ni Mariveth habang kinakaladkad ako palabas ng apartment namin.
Pagkatapos niya akong ayusan ay agad niya akong hinila palabas kahit na parehong mataas ang takong ng mga sandals namin at pareho rin kaming purple dress pero medyo mahaba sa kanya na hanggang tuhod lang.
"Susunduin raw ako ni Sir Pogi!" tili nito habang nakatyo kami sa gilid ng kalsada sa tapat ng apartment building namin. "Ikaw ba? Susunduin ka rin ba ni Sorren? Kung hindi sumabay ka na lang sa amin tutal close naman din kayo ni Sir Pogi," wika niya pero ngumiti lang ako sa kanya.
Kahapon matapos ang usapan nila ni Ms. Ezra sa office ay hindi ko na siya nakita. Nag commute rin ako dahil malamang ay kasama niya si Ms. Ezra. Kagabi rin ay hindi niya man lang ako tinawagan o tinext kung susunduin niya ba ako o mag commute na lang habang ganito ang itsura ko. Well, what do I have to expect? I'm just a substitute.
"Woy! Ano na!? May pahingang malalim ka pa dyan? May problema ka ba? Mag-eenjoy tayo dun besh! Maraming mga pogi pa 'run. Naku! Nae-excite na talaga ako!" Tuwang-tuwang wika niya.
Sobrang gumanda ngayon si Mariveth dahil bumagay sa kanya ang suot niyang purple dress at ang ipit niya sa buhok na purple na bulaklak habang nakabagsak sa mga balikat niya ang kanyang buhok. Ako naman ay simple lang pero sabi niya ay sobrang ganda ko rin pero kahit naman ganito ayos ko kung hindi naman ako ang gusyo ng taong mahal ko wala rin namang silbi.
"Oyy! Ayan na oh! May parating na na kotse! Baka si Sir Pogi na 'yan!" masayang wika niya. Inaninag ko naman ito dahil sa sobrang liwanag ng ilaw galing sa kotse nito pero hindi ko pa rin makita dahil nakakabulag talaga ang liwanag.
Narinig ko ang pag bukas ng pinto ng kotse kaya napayuko na lang ako. Siguradong si Sir Raven yan dahil sya lang naman ang hinihintay namin.
"Am I late?" Wika ng isang pamilyar na boses kaya agad akong napatingala at napatingin sa kanya.
"H-Huh?" Utal kong saad ng makita siya sa harapan ko. Ramdam ko ang pagsiko sa akin ni Mariveth at biglang bumulong sa akin.
"Prince Charming mo besh! Ang gwapo!" Tili nito malapit sa tenga ko kaya napa-atras ako na dahilan para ma-pit balance ako dahil sa sobrang taas ng takong ng sandal ko. Akala ko ay babagsak ako pero nahawakan ni Sorren ang purple purse na hawak ko kanina kaya napigilan niya ang pagkatumba ko. Agad niyang hinila ang purse na pareho naming hawak at mabilis niyang hinapit ang bewang ko ng mga braso niya.
"Muntik na," bulong nito sa tenga ko. Agad kong napagtanto na sobrang lapit niya na pala sa akin kaya mabilis akong naalarma at umayos ng tayo.
"S-Salamat, Sir," wika ko. Pilit kong iniiwas ang mga mata ko sa mapanukso niyang tingin.
"Are you okay? Bakit namumutla ka?" Tanong ni Sorren sa akin pero umiling lang ako.
"Mariveth!" rinig naming sigaw ng isang lalaki sa likod ng kotse ni Sorren.
"Sir Pogi!" Wika ni Mariveth.
Agad na lumapit sa amin si Sir Raven at binati si Sorren pagkatapos ay tumingin sa akin.
"You look stunning, Ms. Dianne," nakangiting wika ni Sir Raven.
"Sir!" nakangiting tawag ni Mariveth para mapansin siya nito.
"Uy, Mariveth!" wika ni Sir Raven pero nanatiling nakangiti lang si Mariveth habang patuloy na tumitikhim at inaayos ang damit niya sa harap nito.
"What? Do you have a cold?" Tanong nito kay Mariveth pero bumusangot lang siya.
"Kidding. Of course, you look stunning too," wika ni Sir Raven. Napalitan nang malawak na ngiti ang mukha ni Mariveth at hinampas ang balikat ni Sir Raven na ikinatawa naman nito.
"Let's go?" Tanong ni Sorren sa akin habang ini-offer ang braso niya sa akin. Nahihiya ko namang nilingkis ang braso ko sa kanya.
Sumunod naman sina Mariveth at Sir Raven. Inalalayan ni Sir Raven si Mariveth tulad ng pagbukas ng pinto para rito habang ako ay nakatayo sa harap ng passengers seat kung saan ako iniwan ni Sorren na ngayon ay naka-upo na sa driver's seat.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng mapansin ako ni Sir Raven kaya agad niya akong nilapitan at siya na ang bumukas ng pinto para sa akin. Napangiti ako dahil sa ginawa niya at nagpasalamat. Mabuti pa si Sir Raven alam.ang salitang gentleman.
Tahimik lang ang byahe kaya pakiramdam ko ay sobrang layo ng pupuntahan namin. Sanay na naman ako, everytime ganito ang kalagayan namin tuwing magkasama kami sa kotse niya. I'm used to it.
"Ate Diem!" Sigaw ni Leia at agad akong niyakap. " Mabuti naman at nakarating kayo!" Nakangiti nitong saad.
"Syempre naman," nakangit ko ring tugon rito. "Mas lalo kang gumanda ah!" puri ko sa kanya. Kita ko ang pag blush ng magkabilaan niyang pisngi dahil siguro sa hiya.
"Leia! Halika na at malapit ng magsimula ang party mo. Aayusin pa natin ang buhok mo," wika ng isang babaeng make-up artist kaya napabusangot naman si Leia at nagpaalam sa akin.
"See you mamaya, Ate," wika nito kaya napangiti ako at tinanguan siya.
"How do you know her? Lagi ka sigurong nakasunod kay Raven," wika ni Sorren.
"Hindi, nagkakilala lang kami sa-"
Naputol ng malakas na tugtog ang sasabihin ko at nagsimula na ring buksan ang disco lights kaya sinundan ko na lang si Sorren papasok sa loob and to my surprise parang luluwa na ang mga mata ko sa sobrang ganda ng decorations at sa set up ng events. Nababalutan ng purple and white ang buong paligid kahit na kanina sa entrance ay instagrammable din dahil sa mga cute na white and purple combinations ng mga ito.
"Ang ganda!" Namamangha kong saad habang nililibot ang tingin. Pero bigla akong napatigil sa paglalakad ng bigla akong mabangga sa isang tao."S-Sorry po."
"Don't wander around, maraming tao baka mawala ka," seryosong saad ni Sorren na lumapit pa talaga sa may tainga ko at bumulong na lang dahil sa lakas ng sound. Tinanguan ko naman siya kahit na hindi ako sang-ayon dahil nagmukha naman akong bata sa sinabi niya. "Dito ka lang." Wika niya at hinawakan ang kamay ko dahilan para mag intertwined ang mga daliri namin sa isa't-isa. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay sasabog na ako sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.
"Ikalma mo ang sarili mo, Diem! Please!" Saway ko sa sarili ko.
"A-Ah, Sir! P-Pwede po bang bitawan mo kamay ko?" Sigaw ko rito upang marinig niya.
"What?" Tanong niya pa dahil hindi niya suguro narinig ang sigaw ko kaya nag-stoop siya ng kaunti sa harap ko para tumapat ang bibig ko sa tenga niya. Bumulong ako sa kanya at agad niya naman binitawan ang kamay ko.
"Baka po kasi may makakita sa akin at sabihin kay Ms. Ezra. Ayaw ko pong ma-misinterpret niya," seryoso kong wika at tumango lang siya bilang sagot.
"Mabuti na rin 'to, Diem. Para alam mo rin ang limit mo." Bulong ko.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (155)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
its a nice story
15/07
0Perfect
17/09/2025
0nice author
07/09/2025
0View All