Homepage/She's a Secret Mafia Queen ( Season 4 )/
CHAPTER 333
Darylle's Point of View
[ Angeles Penthouse ]
"Moo," tawag ko kay Andriana habang nasa walk-in closet room siya.
Medyo naghilom naman na ang mga sugat na natamo namin nu'ng aksidente sa Amerika kaya kahit papaano ay nakakalabas-labas na rin kami ni Andriana. Mas kailangan niya kasi ang paglabas-labas mula sa bahay na 'to para naman maless ang pag-iisip niya, naming dalawa patungkol sa nangyari sa'min at sa anak naming dalawa.
Sinabi kasi ni mommy sa'min na kailangan naming dalawa ng oras para ikalma ang isip namin ni Andriana dahil nga sa nangyari sa anak namin. Gabi-gabi daw kasing nakikita ni mommy si Andriana na umiiyak ng patago sa may garden dito. Alam ko naman ang tungkol sa bagay na 'yon dahil tuwing lalabas siya ng kwarto namin, na akala niya'y tulog na ako ay bumabangon agad ako para sundan siya.
Masakit para sakin na makita ang babaeng mahal ko na patagong umiiyak, na kinikimkim ang sakit na nararamdaman niya na ayaw niyang ipakita sakin dahil masasaktan rin ako. Sa ilang taon naming magkarelasyon ni Andriana ay alam niya na rin ang takbo ng pag-iisip ko lalo na kapag nakikita niyang masakit sakin ang isang bagay.
"Yes moo," bungad niyang sabi sakin pagkalabas niya sa walk-in closet room.
"Kanina pa naghihintay ang barkada sa amusement park, kinukulit na nila ako. Ang akala nila'y hindi tayo pupuntang dalawa doon." Naiiling kong sagot na sabi sa kanya.
Bahagya naman siyang natawa. "Hindi ka na nasanay sa kanila, atsaka ngayon ka na lang rin nila makakasama kaya sila nangungulit sayo."
Napairap naman ako na parang babae. "Tsk." ungot ko.
"Tara na, I'm sure kanina pa naghihintay ang mga 'yon doon." Pag-aayang sabi niya sakin, tumango na lang ako.
Kinuha ko naman sa side table ng kama ang susi ng kotse ko at sumunod na kay Andriana palabas ng kwarto namin.
"Mom, dad.." bungad ko sa parents ko na nasa salas habang nanonood.
Ang aga naman yata ni mommy na umuwi ngayon?
"Why son?" Lingong sabing tanong ni mommy sakin.
"Ahm, aalis lang po kami ni Andriana para maglibang." Sagot ko sa kanya.
"Its alright just go, please be careful in driving and sharpen your feeling around the place you were going, you know what I mean." Seryosong tono niyang sabi sakin, tumango naman ako bilang sagot. "Take care, both of you."
"Yes, we will mommy." Ngiting sabi ni Andriana.
"Go ahead." Senyas niyang sabi kaya naman naglakad na kami ni Andriana palabas.
Paglabas namin ay nakahanda na ang kotse ko nasa tapat na ng entrada ng penthouse. Napapailing na lang ako ng marealize ko na si mommy siguro ang nagsabi na ipark na mismo sa harapan ng entrada ang kotse ko para sasakay at aalis na lang kami.
Pinagbuksan ko naman si Andriana ng pintuan nang sasakyan, matapos niyang makapasok sa loob ay umikot naman ako patungo sa driver seat.
"Nagtext sakin si Keana, Moo." Bungad niyang sabi pagpasok ko sa kotse.
"What did she says?" Tanong ko.
"Kinukulit niya ako kung nasaan na tayo." natatawang sagot niyang sabi sakin. "I already text her, na on the way na tayo."
"Pasaway na babae," naiiling kong sabi. "Sabihin mo sa kanya, na sabihin sa lahat na wag kamo nila tayong madaliin dahil kapag ako ang nabadtrip ay hindi na tayo tutuloy doon." Birong sabi ko.
Natawa naman siya. "Magtatampo ang mga 'yon kapag hindi tayo sumipot ngayon."
"Pagbuhulin ko pa silang lahat e." Natatawa ko ring sabi.
...
Makalipas ang kalahating oras na byahe ay nakarating na rin kami sa napag-usapang amusement park kung saan kami magkikita-kita ngayon. Ipinark ko na muna ng maayos ang sasakyan ko at nauna akong bumaba para pagbuksan si Andriana ng pinto. Nasanay na kasi ako na gano'n ang ginagawa ko kapag kasama ko siya.
Kinuha ko naman mula sa bulsa ng pants ko ang cellphone para tawagan si Keana, kung nasaan sila banda dito sa amusement park.
Ida-dial ko pa lang sana ang number ni Keana ng magsalita si Andriana. "Nasa may bandang food kiosk daw sila, Moo."
"Okay, lets go." Pag-aayang sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
Naglakad na kami papasok sa amusement park para hanapin ang mga kaibigan namin na kanina pang naghihintay.
Bago pa man kami makalapit sa kanila ay napansin ko agad na parang nagkakagulo ang mga kaibigan ko, na para bang may pinagtatalunan sila.
Dali-dali naman kaming lumapit ni Andriana sa kanila para agad na malaman kung ano nga ba ang problema at bakit mukhang nagtatalo-talo sila.
"Kuya DK, ate Keisha is here." Bungad na sabi ni Maxine sakin paglapit namin sa kanila.
Bahagya naman akong natigilan at nangunot ang noo. "What are you talking about?" tanong ko sa kanya.
Bahagya namang natawa si Shawn. "Wala 'yon bro, kung anu-ano na lang kasi nakikita ni Max baka namimiss niya lang si Daria."
"Sinabing hindi nga ako nagkakamali sa nakita ko e, at sigurado ako do'n, okay?" Mataray na patanong na sabi ni Maxine sa kanya.
Hindi naman ako sumagot sa sinasabi ni Maxine. Bahagya ko namang pinakiramdaman ang paligid ko at patagong lumingon-lingon lalo na sa mga madidilim na parte ng amusement park na 'to.
Napansin ko naman agad ang isang bulto ng tao na kaaalis-alis lang mula sa likod ng isang puno malapit kung saan kaming pwesto nakatayo ngayon.
'Who's that person behind that tree?' tanong ko sa isip ko.
"Look a place kung saan tayo pwedeng kumain na muna bago tayo mag-ikot sa amusement park na 'to." Biglang sabi ko sa kanila.
"Dito na lang tayo sa pwesto na 'to, atleast less people around, diba?" Sabing sagot ni Keana, tumango naman ang lahat.
"Okay sige," tangong sabi ko sa kanila. "Bumili na ng pagkain ang dapat bumili." Tingin kong sabi sa mga lalaki kong kaibigan.
"Yeah, we all know that. Sige, kami na ang bibili but.. maiiwan kayo nila Kaleb at Jarvis para bantayan sila. Alam naman namin ang nangyari sa inyo ni Andriana e." Sabi ni Johan, busy rin ang isang yan sa kompanya nina Tita Jenny at Tito Mico pero he give his time for us for a bonding.
Tumango naman ako sa kanila. "Go ahead." senyas kong sabi sa kanila.
Naupo naman na sina Andriana, Keana, Maxine at Kendra pati na rin sina Kaleb at Jarvis. Samantalang ako nakatayo pa rin dahil hindi mawala sa isip ko ang taong nakita ko sa likod ng puno na malapit sa'min.
"Pupunta na muna ako sa comfort room dito." Biglang sabi ko sa kanila at kunwaring naiihi.
"Sige na moo, nandito naman sina Kaleb at Jarvis e.. atsaka nakatingin naman ang ibang boys sa pwesto natin ngayon." Sabi niya sakin, at bahagyang isinenyas ang mga kaibigan namin na bumibili ng pagkain malapit lang rin sa pwesto kung nasaan kami ngayon.
"Bilisan mo lang, Kuya DK ah." Sabi ni Kendra, tumango naman ako.
Nagpalinga-linga naman ako ng bahagya para hanapin kung saan banda ang banyo dito. At napansin kong may banyo sa lugar kung saan ko nakita yung taong 'yon kanina.
Sumenyas ako sa mga lalaki kong kaibigan na bumibili ng pagkain na kailangan kong gumamit ng banyo, nagsipag-tanguan naman sila sakin.
Naglakad na ako patungo sa lugar na 'yon. Hindi para gumamit ng banyo kun'di para hanapin ang taong nakita ko kanina.
Sigurado ako na hindi pa nakakalayo ang taong 'yon dito dahil limang minuto pa lang naman ang nakakalipas na oras.
Nagpalinga-linga ako sa buong paligid ko at tinalasan ko ang pakiramdam ko. Tumingin-tingin rin ako sa itaas ng mga puno na nandito dahil baka sakaling nagtago ang taong 'yon sa itaas ng puno.
Hindi ko na alam kung saan banda ako sa loob ng amusement park naroroon dahil sa paghahanap ko sa taong 'yon.
Sa nakalipas na sampung minuto na paghahanap at ng hindi ko na talaga siya mahanap ay napagpasyahan ko ng bumalik sa mga kaibigan ko, baka kasi magtaka na sila sa matagal kong pagpapaalam na gagamit lang ako ng banyo.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (173)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
May chapter pa po ba to? San po ang continues? Please 😔
29d
0Ang gandaa kaya please po pa update sa next chapter huhuhu
23/09
0pls pa update nmn Ang Ganda Ng story kaso bitin
15/08
0Tingnan Lahat