logo text

Her Patient Heart: 29

"It's nothing, Sir. Baka napahigpit lang po ang relo ko," wika ko.
Nagpakawala ng isang alanganing ngiti at pa-simpleng nilu-luwagan ang relo ko na nasa kaliwang kamay wrist ko pero lalo lang kumunot ang noo niya, isang senyales na hindi niya pa rin pinaniniwalaan ang sinabi ko.
"It's both of your wrist, mas maiintindihan ko pa kung isa lang, but looking at that...you can't fool me, Marasigan," saad nito. Walang emosyon itong yumuko at hinila ang first layer sa drawer niya pagkatapos ay may nilagay ito na first aid kit sa ibabaw ng mesa niya.
Nakataas ang dalawa kong kilay habang tinitingnan ang maliit na white box na nilapag niya sa table niya.
"Put an ointment on your wrist, oh baka gusto mo ako pa ang mag-lagay niyan?" Wika nito. Sige kung gusto mo, Sir. Sino ba naman ako para tumanggi? Pero siyempre, hindi ko pwedeng isagot 'yun baka magalit lang siya.
"Ako na, Sir. Ibabalik ko na lang po mamaya, salamat," wika ko pagkatapos ay dali-dali ko itong kinuha. Pinigilan niya ang kamay ko na naka-hawak na sa kit kaya bahagya akong napanganga at kunot-noong tiningnan siya.
"Dito ka magla-lagay," wika nito. He looked at the seat in front of him, na paramg sinasabi niya na doon ako ma-upo kaya dahan-dahan akong napatango sa kanya at agad na pumunta sa upuan na tinituro niya.
Tahimik ko lang nila-lagyan ng ointment ang palapulsuhan ko pero hindi ako mapakali dahil nakatitig lang siya sa akin habang pinagmamasdan nang maigi ang ginagawa ko na akala mo ay tatakasan ko siya. Binilisan ko na lang ang pag-lagay nito sa wrist ko para maka-alis na ako dito dahil kanina pa ako nagpi-pigil nang hininga, pero bigla akong napa-igtad nang marinig ko ang malalim na boses nito.
"Hindi ko alam kung saan ka pumu-punta o saan mo nakuha 'yan pero sana hindi ka pumasok sa opisina na gunit-gunit na ang damit mo," nakangisi nitong saad kaya agad akong napa-angat nang tingin sa kanya. Hindi ko inaasahan na nakatitig siya kaya yumuko ulit ako at tumingin sa wrist ko.
You have no idea, Sorren, pero ang Dad mo ang may gawa nito.
"I'm done, Sir. Thank you for lending me your first aid kit," wika ko.
Nag-bow ako nang ka-unti sa kanya at tumalikod na. Hindi na naman ito nag-salita pa kaya pagka-labas ko ay agad kong i-binuga ang na-ipon na hangin kanina.
Mag-hapon akong nasa office ko at maging si Sir Sorren ay hindi rin lumalabas. Nag-order na lamg ako sa pinakamalapit na restaurant sa Nebula dahil sayang lang ang oras kung kakain pa raw siya sa labas.
Tina-tawagan niya lang din ako para hatiran siya ng kape na agad niyang nau-ubos. Ilang kape pa ata ang nahatid ko sa kanya hanggang sa umabot ang hapon.
"Hello, good afternoon. Nebula Company, Dianne Marie speaking, how may I help you?" Nakangiti kong wika matapos sagutin ang tatlong beses na nag-ring na telepono sa harap ko.
"This is George Madrigal. Can I talk to, Mr. Sorren Gonzales?" wika ng matandang lalaki sa kabilang linya.
"Can you wait for a second, Sir? I'll jusy ask my boss if he's expecting your call," magalang kong tanong rito at pumayag naman ito kaya inon-hold ko muna ang tawag dito at dinial ang number ni Sir Sorren.
Mabilis naman itong sumagot kaya ahad akong nagsalita,"Good morning, Sir. Mr. Madrigal wants to talk to you, will I transfer the call to you, Sir?"
"Yes, Ms. Marasigan. I'm expecting his call," he said with his husky voice na halatang pagod na ito.
"Okay, Sir. Thank you," wika ko at inend niya na ang call pagkatapos ay binalikan ko ang naka-hold na tawag.
"Hello again, Sir. Mr. Gonzales is expecting your call. I'll transfer your line to him," wika ko dito. Pagkatapos kong i-transfer 'yung tawag ay agad akong napahinga ng malalim.
Sorren's already tired. I wonder if he already finished his food.
"It's 6 pm. You can now go home," wika nito habang busy pa rin na nagba-basa sa mga papers na nasa ibabaw ng table niya.
"Ikaw po, Sir? Bukas mo na lang ho 'yan ituloy," sinsero kong wika dito. Napahinto siya at inalis ang salamin na suot niya sa mata at minasahe ang bridge ng ilong niya.
Will he scold me?
"Right, ngalay na rin ang leeg ko, but I still have to finish this," naka-pikit niyang saad habang patuloy na minamasahe ang matangos na ilong niya.
"Anything I can help you, Sir? Ma-aga pa naman po bago ang out ko," I offered. Napahinto naman ako ng tumingin siya sa akin pagkatapos ay tumaas ang sulok ng labi niya.
A dangerous smile.
"Anything?" Tanong nito. Napa-lunok ako dahil sa tono nang pagtatanong niya.
"A-Ah, Sir, G-Gusto ko lang sana makatulong-"
Bigla itong napangisi at binalik ang salamin sa mata nito,"Just sit there, ihahatid kita maya-maya madali na naman itong matapos," nai-iling na saad niya habang nakangisi pa rin.
Did he just tease me?
Para na akong tuod na naka-upo dito sa harapan niya habang pinagma-masdan ang gina-gawa niya.
"Sir, tulungan na po kita," giit ko pa pero umiling lang ito sa akin.
Nag-sisi tuloy ako dahil sa pag-offer na ginawa ko kanina, dapat pala hindi ko na ginawa iyon dahil wala rin naman pala akong gagawin kundi ang tumunganga dito. On the other side of my mind ay natutuwa ako kasi nakikita ko siya, habang nagtat-trabaho, at naka-kunot ang noo, mas lalo lang siyang gumu-gwapo.
"Nai-inip ka ba?" Biglang tanong nito.
"Hindi ako nai-inip, na-a-awkward lang," gusto kong isa-boses.
Pigil ngiti lamang akong umiling dito kaya bumalik na sa pag tutok ni Sorren sa ginagawa niya.
"Gusto niyo po ba ng coffee, Sir?" Tanong ko dito.
"Yes, please," wika nito nang hindi inaalis ang tingin sa mga papeles.
Tumayo na ako at tumungo na sa opisina ko para ipagtimpla siya ng kape. Kumuha rin ako ng sticky note sa table ko at nag-drawing ng smiley face pagkatapos ay idinikit ito sa tasa.
Nakangiti kong nilapag sa mesa niya ang kape tsaka bumalik na rin sa inu-upuan ko kanina. Binuksan ko ang cellphone ko. Sinuot ko ang earpods ko dahil naisipan ko na munang manood ng paborito kong romcom movie sa isang site dahil malakas naman ang wifi dito sa opisina ni Sorren.
Naka-kalahati na ako sa movie at nandun na rin ako sa part kung saan magki-kiss na ang dalawang main characters pero napa-igtad ako ng biglang narinig kong tumikhim si Sorren. Agad akong napa-tingin sa upuan niya na nasa harap ko pero wala na siya rito kaya inilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa likod ko pala siya at nakatingin sa screen ng cellphone na hawak ko.
"Are they kissing?" Kunot noong saad nito kaya napa-igtad ako sabay click sa center button ng cellphone ko habang namumula ang magkabilaan kong pisngi.
"A-Ah, Sir..." bigla kong sambit sabay tayo at ayos ng damit ko pagkatapos ay tumingin sa kanya habang naka-kunot pa rin ng noo."Aalis na po ba tayo?"
"I'm asking you but you're asking me back? Is that how you answer a question, an another question?" Seryosong wika nito. Tinago nito ang mga kamay sa likod at mataman akong tiningnan kaya naman agad akong nakaramdam ng kaba kasabay ng pagbilis ng tibok ng dibdib ko.
"I'm sorry, Sir," wika ko at yumuko.
"I'm asking if they're kissing but you answered me with apologizing?" giit pa nito.
Sa punto pa lang iyon ni Sorren ay alam kong tine-tease na naman ako nito.
"I-Isn't it obvious, Sir? Of course they're about to kiss," nahihiyang saad ko.
"Oh okay, i'm just wondering earlier if you're about to go insane since you've been smiling so wide," nakangising wika nito at tumalikod na sa akin.
Ibig sabihin, I look weird while watching a movie and he's watching me, for how long?
"We're leaving. I'll just finish the rest papers at home," dagdag pa nito.
"Y-Yes, Sir," sambit ko.
"OUR WEDDING will be like a Masquerade Ball! I'm the muse amd your the escort for the night!" Tili ni Ms. Ezra kaya napatingin naman ako dito. Kasalukuyan akong nandito sa katabi ni Sir Sorren na dahan-dahang nilalapag ang kape sa harap nito at ganun din ang ginawa ko sa pag serve ng kape kay Ms. Ezra.
"I'm so excited for our wedding, Sorren!" Napapalakpak pang saad nito.
She really loves the idea of making Sorren as her husband. Who's girl would have not dream for a perfect wedding when Sorren is her husband. She's so lucky.
"It's good that you like our wedding theme, after all you're the one who suggested that," nakangiting saad ni Sorren at kinuha ang tasa niya.
Isang buwan na akong nagta-trabaho bilang secretary ni Sorren at nagagamay ko na ang pasikot-sikot ng kompanya maging ang nature ng trabaho kaya nagiging smooth na ang trabaho ko at hindi na rin ako nalilito. Lagi na rin akong maagang gumigising dahil nama-manage ko na rin ang oras ko dito sa trabaho.
Papalapit ng papalapit na rin ang month ng kasal nila kaya lagi na ring nandito sa kompanya si Ms. Ezra.
"You'll attend the wedding, Ms. Marasigan, okay?" Tawag pansin sa akin ni Ms. Ezra.
A-Ako?
Napatingin sa akin si Sorren kaya dumapo rin ang tingin ko sa kanya pagkatapos ay tiningnan ko naman si Ms. Ezra pero pareho lang nilang inaantay ang sagot ko.
"I-I...don't-"
"Of course, she'll attend," putol ni Sorren sa sasabihin ko kaya agad akong napatingin sa kanya."She's my secretary, she needs to be present."
I'll be witnessing the wedding of my firsy love? How heartless is that? Seeing them together is like a silent torture for me, paano pa kaya kapag kinasal na sila?
"Sorren!" tawag ni Sir Raven na kakapasok lang sa office niya."Oh, sorry. You're here, Ms. Ezra, i'm sorry I didn't notice you," nakangising saad ni Sir Raven.
Napatingin siya sa akin at ngumiti pagkatapos ay binati ako, ngumiti rin ako pabalik at binati ito,"Good morning, Sir."
"Why are you here?" Tanong ni Sorren rito. Na-upo naman si Sir Raven sa mahabang sofa kaya kinuha ko ang babasaging pitsel at baso para sa bisita. Nilapag ko ang baso sa harap ni Sir Raven pagkatapos ay nilagyan ito ng tubig.
"Thank you, Ms. Dianne." Nakangiti nitong sambit kaya napatango lamg ako sa kanya."So, i'm here because I want to invite you for the incoming birthday celebration of my sister, it's her 18th debut," saad niya.
"Do you an invitation card?" tanong ni Sorren. Napangisi lang si Sorren ng bigyan siya ni Sir Raven ng isang purple envelope,"Of course, you have. Your a boy scout."
"Dalawa lang ang meron ako eh, hindi ko kasi alam na nandito pala si Ms. Ezra, it's for you and Ms. Dianne lang ang nadala ko," wika nito.
"Okay lang po, Sir. You can give that to, Ms. Ezra," saad ko.
"When is the event?" Kunot-noong tanong ni Ms. Ezra.
"It's December 14," sagot ni Sor Raven.
"Oh! I'm sorry I can't attend. You can give it to Ms. Marasigan. I also have a wedding to attend. Kailangan kong mag-attend aa wedding 'nung kaibigan kong 'yun dahil kung hindi baka hindi rin siya pumunta sa wedding ko," nakangusong saad ni Ms. Ezra.
"Then, hope you'll come, Ms. Dianne," saad ni Sir Raven at binigay sa akin ang invitation card.
"I will, Sir." Sagot ko rito.
"Purple is the theme and formal dress, Ms. Dianne, don't forget," saad nito at tumayo na rin ito para mag-paalam.
"I'll have to go din pala, my Dad needs me in the company. Goodbye, babe," saad ni Ms. Ezra at napatagilid ako ng kaunti dahil sa paghalik nito sa pisngi ni Sorren. Pero napatigil ito at tumingin sa akin from head to toe kaya. Nangunot ang noo ko dahil sa mga tingin pero ngumisi lang ito at tumingin kay Sorren."Babe, I can't go in boutique, can you go with her? I think..." Napa-ismid ito habang ineeksamin ako like wth is wrong with her?
"What is wrong, Ma'am Ezra?" Naiinis ko ng tanong dahil sa nakaka-insulto niyang mga tingin.
"I think we have the same size of body naman though mas sexy ako sa kanya. Pwede na rin, Babe," baling nito kay Sorren at iniwasan na sagutin ang tanong ko.
Marahan namang tumango si Sorren at ngumiti na kay Ezra.
"Okay, then. Since I still have time before my appointment with Mr. Lee, i'll go there," nakangiting wika ni Sorren.
"WEAR this," bigay ni Sorren sa akin habang ako ay laglag ang panga dahil sa ini-aabot niya.
Isang mahabang wedding dress na sabi ng saleslady ay isang mermaid style-like gown na off-shoulder.
"I'll wait for you here," wika ni Sorren pero hindi pa rin ako gumagalaw sa pwesto ko.
"S-Sir, why do I have to wear this? Nakakahiya po kay Ms. Ezra-"
"She already said earlier and i'm sure you heard her too. Do I still have to explain it to you?" seryosong wika nito at tinalikuran na siya pagkatapos ay umupo sa isang single couch na nakaharap sa fitting room at nag pandekwatro habang nakatutok sa cellphone nito.
"Panigurado, Ma'am babagay sa 'yo lahat ng wedding dress dahil sa maganda at sexy kayo...isa pa Ma'am..." Wika nito at lumapit sa akin at bumulong,"Ang gwapo ng magiging groom mo. Feeling ko magiging perfect ang wedding niyo!" Masiglang wika nito pero nahihiya lang akong umiling dito.
"Hindi ko po siya fiance, nautusan lang po ako," nakangiti kong wika.
"Ay, bakit naman, Ma'am?" Tanong ni ateng saleslady pero kumibit balikat lang ako.
Giniya niya ako papuntang fitting room kaya pumasok na ako.
Why do I have to wear the wedding dress of my first love's bride?

Book Comment (155)

  • avatar
    Jack Jetter Espanol Reyes

    its a nice story

    15/07

      0
  • avatar
    AnterTarek

    Perfect

    17/09/2025

      0
  • avatar
    Jhaina Holly Claire Simangca

    nice author

    07/09/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters