Homepage/Waiting You To Love Me/
WAKAS
Wesley's POV
Walang nagsasalita sa loob ng conference room. Gaya nang gusto ni Sunny, pagbalik namin ay hihingi kami ng tawad kay Annie. Pagbalik na pagbalik ay inayos ko agad ang schedule ko at nakipag appointment agad kila Mr. De Sialla, kasama na doon si Annie.
Bago inayos ang lahat, sinabi ko muna ang tungkol dito sa pamilya ni Sunny. Mas maayos kong may alam sila. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Sunny nang makita ang mga pinsan, mga kapatid at pati ang lolo at magulang niya na pumasok.
They want to secure Sunny. Naiintindihan ko sila, oo at kailangan naming humingi ng pasensiya, pero ibang usapan ang ginawa niyang pananakit physically. Kaya nga sinabi ko sa kanila, I want them to be aware of what Sunny want to do.
Nakabalandra sa mukha ni Mr. De Sialla ang kaba. Bago ito ay nakapag usap na kami ni Mr. De Sialla, nakiusap siya na huwag gagalawim ang companya nila.
Narinig ko ang buntong hininga ni Sunny kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Nandito kayong lahat? Para ano? Para ipamukha sa akin na mas makapangyarihan kayo? Na dahil sa isang pagkakamali lang ay maaring mawala sa amin ang lahat?" Seryosong sabi ni Annie. Sinuway siya ng ama niya dahil doon.
"Why, Dad? Takot ka sa kanila!? They are--" natigilan si Annie nang magsalita si Sunny.
"We are not here to brag how we can down your company, or what do you think about it," napatawa si Annie sa sinabi ni Sunny.
"So you're here to brag how you can have my ex-fiance? Masaya ka? Kasi nakuha mo na yung dapat fiance ko, yung dapat magiging asawa ko. How can we sure that the child on your womb ay kay Wesl---" magsasalita sana ako ng maunahan ako ni Hally.
"What do you think of my sister!?" Nakisabat na si Hally. Pinapanood ko lang ang reaksyon ni Sunny. Nakita ko na napapikit siya.
"Flir---"
"I'm here to say sorry," malumanay ang pagkakasabi ni Sunny sa mga salitang 'yon. Sumulyap ako kay Annie at nakita ko ang gulat sa kanya.
"You think maniniwala ak--"
“I'm sorry because I know, and I am aware that I do something wrong,” Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya. "Tinanggap ko ang singsing na galing kay Wesley kahit alam kong fiance ka niya."
Hindi ko maiwasang maging seryoso. Come on, Sunny! Don't say those word na para bang nagsisisi ka.
"Pero hindi ko 'yon pinagsisihan," nangilid ang luha niya. "God knows, how I love Wesley, simula pa noong bata ako. Maniwala ka man o hindi, totoo yun. I was only 16 when I already fall in love with my brother's employee. I was 16 when I first hurt because of loving him. How many times I was hurt because the person I love is in love with somebody else. Umabot sa punto na nagpakatanga ako, na naghintay ako sa kanya hanggang sa matapos siyang mahalin ang iba." I kissed her hand. Natahimik ang mga tao doon, boses lang ng taong mahal ko ang naririnig.
"Alam ko yung nararamdaman mo sa mga sandaling 'yon, sino namang hindi masasaktan kong makita mo sa letrato ang fiance mo na may kasamang ibang babae, pero I'm sorry... mahal ko lang talaga siya. Ang tagal, ang tagal tagal kong hinintay ang araw na 'yon, ang bigyan niya ako ng singsing. I'm sorry kasi hindi ko magagawang magsisi sa pagtanggap sa singsing na 'yon kahit alam kong fiance mo siya. Hindi ako nag e-expect na mapapatawad mo ako agad, pero gusto ko pa rin humingi ng tawad."
Lumuluha na din si Annie, akala ko magsasalita siya agad, pero nagulat kami nang tumayo muna siya bago magsalita.
"Pagkatapos ng araw na 'to, ayaw na kitang makita," sabi niya habang nakatingin kay Sunny, sunod ay sa akin. "Ayaw na kitang makita," sambit niya sa akin. Aalis na sana siya nang magsalita ako. Nakahawak na ito sa doorknob
"I'm sorry, Annie. I just really in love with Sunny," hindi siya nagsalita at lumabas na.
Muling natahimik ang lahat. Tanging si Mr. De Sialla na lang ang nandito.
"I'm sorry, Mr. De Sialla. About your company, hindi ko na itutuloy. I'm sorry for what I did to your daughter." Sinserong sambit ko
****
Hinaplos ko ang pisngi ni Sunny. Hindi ko maiwasang mapangiti, she's so lovely while sleeping, parang hindi masungit. Hindi ko maiwasang maalala ang pagsabi niya sa akin ng mabaho noon. Kaya pala, damn! She's pregnant, buti na lang at dahil lang yun sa buntis siya, kasi kong talagang nababahuan lang talaga siya sa akin ay baka turned off na siya sa akin.
Really, I didn't expect that she is pregnant. Oo at pumasok na sa isip ko, pero ayaw tanggapin ng isip ko kasi she's a model. Akala ko nag tatake siya ng pills para maging regular ang menstration niya.
Nakatulog na siya sa sofa kakahintay sa akin, I have a meeting. Ayaw ko sanang paghintayin siya, pero kasi ang parents niya ang ka meeting ko.
Nagising siya dahil sa haplos ko.
"Bakit ang tagal mo?" Umupo siya habang tinatanong 'yon.
"I have important meeting," sambit ko. Tinignan niya ako ng masama.
"Mas importante sa aki--" Mabilis ko siyang hinalikan para matigil.
"Yan ka nanaman, of course you are more important to me. Kayo ni baby ang pinaka importante." sabi ko sa kanya.
Umirap lang siya sa akin.
"Tara na, nakakainis naman kasi sila Mom, ngayong matanda ako saka sila naghigpit!" Napatawa ako.
Nililimitahan nila ang pagkikita namin, pero hindi niya alam na may plano ako. Kinausap ko ang pamilya ni Sunny. Sa totoo lang hindi yun ang unang pag kausap ko sa magulang ni Sunny. Bago umuwi noon si Sunny mula sa US ay nakausap ko na sila.
Sinabi kong mahal ko si Sunny. I even say sorry because I hurt her. Isang suntok nga ang nakuha ko sa papa niya.
"That's the reason why she want to study abroad that time. You hurt her? You hurt my daughter?" Tanong niya at mabilis akong sinuntok. Tinanggap ko 'yon dahil alam kong deserve ko yun.
"Mahal ko po ang anak niyo, Sir. I'm sorry for what I did, but I want to correct what I did."
“Prove It. I feel it would be better not to hear you say that, prove It with an action.” Pareho silang tumalikod sa akin.
Sunod naming pagkikita ay noong nasa hospital si Sunny. Again, he punch me, but it's ok, I deserve it again. Subra ang ginawa ko noon para bumalik ang tiwala nila sa akin. I also agreed with her grandfather's want about my visit to Sunny. I want to earn their trust, including Grayson.
This time, I feel it would be better not to promise. I will just do everything I can so that she will not be hurt again and again because of me.
****
"Malapit na daw siya!" Nakita ko ang pagpapanic ni Ashra kaya hindi ko maiwasang mahawa.
Akala niya ay isang celebration ito ng companya. Planado ang lahat ang pagsusuot ng gown, ang reception, lahat. This is not for the company, because this will be our first wedding. We are here in the big hall in our hotel. Ito ang pinag usapan namin ng mga magulang niya.
"Teka, ayos lang ba yung neck tie ko? Yung buhok ko?" sunod na sunod na tanong ko.
"Para kang baliw!" Tinignan ko ng masama si Easton nang bigla niya akong batukan.
Halos mamutla ako nang sabihing papasok na si Sunny. Nakasarado ang pinto at pagpasok ay mahuhulog ang red rose petals. Color Red ang theme at naplano na din na isang long gown white ang isinuot ni Sunny.
Kasabay ng pagpasok niya ay ang pagtugtog ng instrument ng Ikaw at Ako ni Yeng Constantino.
Halos mapasigaw siya ng unti unting bumagsak ang kulay red petals ng rose sa kinaroroonan niya. Patuloy na bumabagsak ang red petals hanggang sa makarating siya sa akin. Lumapit agad ang magulang nito. Ibinigay ng mama niya ang bouquet. Naguguluhang kinuha iyon ni Sunny. Nang tumungin siya sa akin ay napatakip siya sa labi. Mukhang alam na niya. Kumislap ang mata niya, hudyat na naiiyak na siya.
Hindi ko rin maiwasang maiyak. 'Yung babaeng mahal ko ay naglalakad na papalapit sa akin.
May tumapik sa likod.
"Alagaan mo yan, alagaan mo ang prinsesa ko," kahit di ko tignan ay alam kong naiiyak din si Grayson.
Nakatutok lang ang tingin ko kay Sunny papalapit sa akin.
That time, when she said that she will wait, until I'm done loving other. Ang sarap sabihin na hindi na kailangan, kasi sa sandaling 'yon nahulog na ako sa kanya.
We are in love with each other that time, but that time is still not the time for us. I can't help, but feel complete because the time that, I've been waiting is now here.
Subrang dami naming pinagdaan bago marating ang bagong pahina na ito. Ang mga pinagdaan naming 'yon ang nagpatatag pa sa nararamdaman namin.
I'll always be thankful for having her and having our child. Kompletong kompleto na ako.
*****************************
Author's note
Ayon nga po, tapos na haha. Hindi ako sigurado kong ilan kayong sumubaybay hanggang sa huling kabanata ng kwentong ito nila Sunny at Wesley, pero kahit iisa lang o dadalawa, masaya na ako.
Ang malamang may iisang sumusubaybay sa story ko ay subrang tumatalon na ang puso ko. Hindi ako makapaniwalang nakatapos na ako ng isang kwento. Bago pa ako sa larangang 'to, kong baga grade 5 pa lang ako, kaya kailangan ko pang mas matuto para makagawa ng mas magandang kwento.
Kong nababasa mo 'to, hudyat lang na natapos at talagang sinubaybayan mo ang kwentong 'to, kaya maraming salamat. Maraming maraming salamat.
Gusto ko lang sanang hingin ang review niyo tungkol sa kwentong 'to. Wala akong pake kong positive yan o negative. I want your honest review. Naniniwala ako na sa honest review niyo ay makakakuha ako ng aral para mas lalong makagawa ng mas maganda pang kwento.
THANK YOU! MARAMING SALAMAT! WALANG MAPAGLAGYAN ANG SAYA KO NGAYON! Ito ang pinakaunang complete story ko. Salamat ulit.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (175)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
Such a nice story.. Well done author😍😍
15/05/2022
0How could someone be willing to wait in the name of love? This story reminds me that love is not about how long you are willing to sacrifice to someone you love. but to give all you have even there is no certainty. Good job author. 🤗🤗🤗
15/05/2022
0You did great, author! I love the plot of the story, unlike sa mga ibang story na common yung plot ng love story (hmm, hoping may part 2 or special chapter HAHAHA). Goodluck sa future works mo author. Congrats!
08/02/2022
5Tingnan Lahat